72 dakma sa droga

Bandera - - FRONT PAGE -

ARESTADO ang 72 suspek sa droga sa dalawang araw na operasyon ng mga otoridad sa Tagum City, Davao del Norte.

Ani Rodito Canada, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) head sa Davao del Norte, nakakumpiska sila ng tatlong malalaking pakete ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 33 gramo, siyam na maliliit na sachet, drug paraphernalia, at 26 motorsiklo sa raid sa Madaum and San Isidro.

Tinarget ng operasyon noong Sabado hanggang Linggo ng umaga ang tatlong lugar na ginagamit bilang drug den sa dalawang barangay.

Kabilang sa mga naaresto si Angelito Alcaide, ang ikapitong most wanted sa Tagum City; at dating sundalo na si Roger Ugat.

Idinagdag ni Canada na mula sa Tagum at sa mga kalapit na lunsod ng Panabo, Davao at Cotabato.

Ikinulong ang 47 sa mga suspek sa Tagum City police station detention facility samantalang dinala ang iba sa PDEA regional office sa Davao City. — Inquirer palengke sa Oras, Eastern Samar nang sumiklab ang apat na oras na sunog, kahapon ng umaga.

Ani Oras Mayor Vivienne Alvarez, posibleng tumaas ang presyo ng mga bilihin sa bayan dahil nasunog ang buong palengke, kasama ang 40 stalls na nagtitinda ng bigas.

“This will really have an impact on our economic activity here in Oras. Among the stalls that were destroyed by the big fire were several rice retailers, to include those selling NFA rice,” sabi ni Alvarez.

Batay sa ulat, sumiklab ang sunog ala-1 ng umaga at naapula makalipas ang apat na oras.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog, na natupok din ang 13 bahay malapit sa palengke sa Brgy. Tuigib.

Sinabi ni Alvarez na umabot sa P60 milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa pangyayari.

Wala namang nasaktan.

Idinagdag ni Alvarez na plano niyang magdeklara ng state of calamity at humingi ng tulong sa iba't ibang ahensiya ng gobyerno kasama na ang National Food Authority (NFA). —Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.