>>PAGE 3: Masarap, nakabubusog, nakamamatay (1)

Bandera - - FRONT PAGE -

hotdog o 'yung mga maliliit.

Fugu

Ang Fugu ay isang ulam na gawa sa pufferfish, isa sa mga paboritong ihain sa mga mamahaling restaurant lalo na sa Japan.

Mahirap tanggalin ang lason ng pufferfish na isa sa mga dahilan kung bakit mahal ito.

Ang lason ay ang tetrodotoxin.

Para maging bihasa sa pagtanggal ng lason, ang isang chef ay kailangang sumailalim sa dalawa hanggang tatlong taong training—opo taon—upang makakuha ng lisensya at makapagluto ng fugu.

Ang tetrodotoxin ay higit na mas nakamamatay sa cyanide nang 1,200 beses.

Ang isang pufferfish aymayroong tetrodotoxin na sapat upang mapatay ang 30 katao.

Ang mga nalason nito ay nakakaranas ng pag-iinit ng bibig na parang nasusunog.

Ang tibok ng puso ay magiging irregular hanggang sa tuluyan nang huminto ang respiratory system na magreresulta sa kamatayan.

Walang gamot sa fugu poisoning pero may mga pagkakataon na nakaliligtas ang taong nakakain nito. Ackee

Ang ackee ay isang prutas na mula sa West Africa na ngayon ay matatagpuan sa Jamaica at iba pang bahagi ng Caribbean.

Ito ay mula sa pamilya ng lychee na paboritong lantakan sa mga umpukan.

Sa Estados Unidos ay hindi ka makakabili ng prutas na ackee. Maaari kang makabili nito nang nakalata pero mahigpit din ang ipinatutupad na restriction sa canned importation nito.

Kung hindi pa hinog, ang prutas ay mayroong lason na magreresulta sa “Jamaican vomiting sickness."

Ang mga sintomas nito ay panghihina, dehydration,at pagkapraning na mararamdaman sa loob ng dalawa hanggang anim na oras mula sa pagkain nito.

Susundan ito ng panginginigng katawan, comatose at pagkamatay.

Buto ng Cherry Maraming may gusto ng cherry kaya naman maraming produkto ang cherry-flavored.

Ang hindi alam ng marami ay mayroong taglay na lason ang buto ng cherry na madalas ay nilulunok na lamang.

Ang buto nito ay mayroong amygdalin na maaaring maging hydrogen cyanide kapag prinoseso ng katawan.

Isang lalaki sa Lancashire, United Kingdom ang na-cyanide poisoning matapos kumain ng tatlong cherry, buti na lamang at naagapan.

Mansanas

Gaya ng cherry at apricot, ang buto ng mansanas ay mayroon ding lason.

Ang cyanide toxicity upang makaapekto sa tao ay 0.5-3.5 milligram bawat kilo ng tao.

Ang bawat buto ng apple ay mayroong dalawang milligram ng amygdalin na siyang nagiging cyanide kapag prinoseso ng katawan.

Kaya aabot sa 140 buto ng mansanas para mamatay ang isang tao. Kung mayroong walong butosabawatmansanas, kailangang umubos ka ng 18 mansanas sa isang kainan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.