TV SHOW NG REKLAMADORANG KINANSELA, SAKIT SA ULO NG

Bandera - - HEALTH WELLNESS -

NATATAKOT na ngayon ang mga artistang may itinatagong kamalditahan sa pagtratrabaho. Uso na ngayon ang “barilan” ng role. Tinatanggal na ang mga artistang nagpapahirap sa produksiyon.

Dalawang kilalang artista na ang nasampolan ng ganu’ng pangyayari, pinatay na lang ang karakter ng isang aktres, programa naman ng isang female personality ang kinansela dahil inirereklamo siya ng kanyang mga katrabaho.

Kuwento ng aming source, “Galit si Actress A na tinanggalan ng show, kasi, ang usapan daw nila ng network, e, ilang seasons ang aabutin ng show niya. Kumbaga, magtatagal sa ere, kaya hindi na siya tumanggap ng iba pang trabaho.

“Kaso, marami na ngang nagrereklamo sa ugali niya, marami siyang kiyaw-kiyaw sa trabaho, mainitin ang ulo niya, marami siyang reklamo. Konting bagay lang, e, nakatalak na siya!

“So, hindi nagtagal ang kanyang show, kinansela ng network, kalat na kasi ang reklamo ng mga katrabaho niya sa kakaibang ugali niya. Natural, nagalit siya, pero naman!

“Alam niya na ayaw na ayaw na sa kanya ng mga staff, hindi na nila kinakaya ang pagiging reklamadora niya, dagdag na kuwento pa ang pagtalak-talak niya sa mga make-up artist at hairdresser niya.

“Maitatago ba naman ‘yun? May regular production meeting, natural lang na maging topic sa meeting ang mga pinaggagagawa niya! Hindi ang production ang problema, siya!” madiing kuwento ng chikadora naming impormante.

Feeling kasi ng aktres na ito ay siya na ang pinakamatalinong tao sa mundo. Palaging siya lang ang tama, palaging siya ang pabibo, kaya inaayawan siyang makatrabaho.

“E, di nga ba, nu’ng kunin siyang bida sa movie ng isang production, e, nagpakita na naman siya ng pagiging reklamadora? Meron pa siyang dramang kapag hindi niya nakita ang gusto niyang makita pagdating niya sa set, e, magwo-walkout siya?

“Natural, ibinigay na lang ng production ang gusto niya, kesa naman sa matapon ang maraming araw na ng pinagtrabahuhan nila, matuloy na lang at matapos ang project, ganu’n!

“Naku, de-primerang reklamadora at talakera ang babaeng ‘yun! Sana nga, masarapan na lang siya sa ibang bansa na kasama ang boyfriend niya!” pagtatapos ng aming source.

Getlak n’yo na, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday kung s Baka may mahulo sa imburnal kap n’yo mahulaan k siya!

Malaki na nagsak ng timbang Domingo. Ka niyang magsakrip isang malaking pro nakatakda niyan para sa Cineko Pro

‘Yun ang una hiniling sa kanya mga producers na Enrico Roque, dap mag-diet, dahil lo kanyang rehistro camera kapag hi ‘yun pinagsikapan yari.

Kung kaguw ang pag-uusapan na lusot si Cogie, pinagbabago ang itsura mula nu’n ngayon, timbang n laga niya ang kuw

Na ginagawa man, pangalawan na nga niya nga

COGIE DOMINGO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.