Alien In Love

Bandera - - HEART 2 HEART -

Unang pagkakataon nga siyang nakikipag-celfone sa isip kay Brummo pero madaling natuto si Marianne.

“Brummo, ikaw, ano ang ginagawa mo ngayon diyan sa space ship mo?”

“Nakahiga lang tapos nakikipag-usap sa iyo sa isip.”

“Ay, oo nga pala. Brummo, ilang taon ba kayong naging magasawa ni Doanna?”

“Matagal din. Limang taon.

Siya ang first love ko, ako rin ang first love niya.”

“May anak kayo?”

“Nagpaplano na sana pero ... noong nalaman namin na mamamatay after two years si Doanna dahil sa sakit na leukemia, napapayag niya ako na huwag na lang kaming mag-anak.

Dahil kawawa lang ang bata kapag wala siyang Mommy habang lumalaki.”

“Ha? Ang ibig ninyong sabihin, sa Mars 7, nahuhulaan ninyo ang inyong kamatayan?” “Oo, Marianne. Kapag mamamatay kami sa sakit, makikita namin ‘yon tuwing nagpapa-check up kami.

May advance knowledge kami sa future ng aming katawan. Ganoon ka-advance ang medical field namin sa Mars 7.

Nalalaman namin kung kailan kami magkakasakit at kung makakaligtas ba kami sa sakit na iyon o hindi.”

“Wow. Pero ... nakakalungkot naman ang nangyari sa inyo ng asawa mo.

Ang hirap kung mamamatayan ka ng mahal sa buhay ng biglaan.

Nang hindi mo alam na iiwan ka pala niya bigla-bigla.

But I’m sure na napakahirap din kung alam mo na mawawala na sa iyo ang minamahal mo.

Na sa bawat pagdaan ng araw ay palapit nang palapit ‘yon.”

“Talagang napakahirap. Pero may advantage naman.

Kasi magkatulong kami sa pag-cope up sa nalalapit na tragedy. Alam mo bang ang nakaisip na hahanapin ko dito sa earth ang kamukha ni Doanna para mahalin ay si Doanna mismo?” “Ha?

Ganoon siya ka-unselfish?”

“Oo.

Napakabait niya. Parang ikaw?”

“Paano mo nalamang mabait ako?”

“Pina-scan ka na namin doon sa Mars 7. Buhay pa si Doanna nang ginawan niya ng paraan na magkaroon ng ganyang process sa iyo.”

“Pumunta pa ba kayo dito para gawin ‘yon?” Kinikilabutan si Marianne sa kakaibang nalalaman.

“Ah, hindi na.

Dahil nga high tech kami, nati-trace namin sa computer ang iyong DNA kahit hindi ka namin nakikita.”

Nanlaki ang mga mata ni Marianne.

“My God!

Alam mo, Brummo ... sobrang napapahanga ako sa inyong mundo.

Sobrang high tech kayo, napakataas ng inyong kaalaman ... pero ikaw, napaka-humble mo.”

Natuwa si Brummo, na-mis-interpret ang sinabi ni Marianne. “Ang ibig mo bang sabihin mamahalin mo na ako?” Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.