Tankoua, NCAA Player of the Week

Bandera - - HEART 2 HEART -

SA kanyang huling San BedaLetran rivalry game, siniguro ni Donald Tankoua na mananaig ang Red Lions sa kanilang bakbakan.

Noong Martes, nagawang itaguyod ng San Beda ang 22puntos na kalamangan, 67-45, kontra karibal na Letran may 6:19 ang nalalabi sa laro subalit nagpabaya ang Red Lions para hayaan ang Knights na magsagawa ng 19-0 ratsada.

Nag-foul out din si Robert Bolick sa huling minuto ng laro kaya naman nangailangan ang San Beda ng maghahatid sa koponan sa panalo.

Hindi naman sila binigo ni Tankoua na naghulog ng clutch basket para ibigay sa Red Lions ang 74-68 panalo.

At dahil sa kanyang mahusay na paglalaro kung saan nagtala siya ng 19 puntos at siyam na rebound, ang 6-foot-6 Cameroonian na si Tankoua ang napiling Chooks-to-Go/NCAA Press Corps Player of the Week.

Tinalo ni Tankoua sina Jaycee Marcelino ng Lyceum, Laurenz Victoria ng Mapua at Michael Calisaan ng San Sebastian para sa lingguhang parangal na ibinibigay ng mga print at online sportswriters na kumukober ng liga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.