P3.2M damo nasabat sa QC

Bandera - - NUR SON URGED TO RUN FOR SULU GOV -

DINAKIP ang lalaki na may bitbit na P3.2 milyong halaga ng marijuana sa operasyon ng pulisya sa Quezon City.

Nasakote si Jomel Bernas sa Lupang Biyaya Cmpd., Brgy. Greater Fairview. May timbang na 27 kilo ang narekober mula sa suspek na maramihan umano kung magbenta. Ayon sa suspek, ang kanyang paninda ay galing sa mga nagtatanim ng marijuana sa Mt. Province. Ipinasasabay lamang umano ito sa mga pampasaherong bus na luluwas sa Metro Manila.—Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.