Roque di pa nagre-resign...

Bandera - - NUR SON URGED TO RUN FOR SULU GOV -

ITINANGGI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagbitiw na siya sa pwesto.

"People: I have not resigned. Thanks!" Ani Roque sa text message sa mga miyembro ng Malacanang Press Corps.

Aniya, naka-leave lamang siya simula kahapon para sa isang biyahe sa China. Nakatakda siyang bumalik ng bansa sa Lunes.

Kasabay nito, itinanggi ni Roque ang pahayag ng Kabayan partylist na hinihingi niya ang nominasyon ng dating partylist kung saan siya dating naging kinatawan.

"Absolutely false," ni Roque.

Kahapon ay naglabas ng kalatas ang Kabayan na sinabing tinanggihan nito ang alok ni Roque na maging nominee muli ng kanyang partido na siyang dahilan kaya siya ay nakaupo sa Kamara de Representantes. giit

Nagpadala umano ng feelers si Roque sa isang miyembro ng Board.

“Unfortunately, Mr. Roque is no longer a member of KABAYAN Partylist as he was removed in January 2017,” saad ng Kabayan. “We are quite pleased that Mr. Roque considers the value of KABAYAN Partylist, even at this very late hour.”

Dagdag ng opisyal, wala pa siyang desisyon kung tatakbo bilang senador. ITINALAGA ni Pangulong Duterte si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang concurrent Presidential Spokesperson epektibo kahapon.

Kinumpirma ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher "Bong" Go ang pag-upo ni Panelo bilang bagong tagapagsalita

Nauna nang inihayag ni Pangulong Duterte na itatalaga niya si Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo bilang bagong Press Secretary.

Kinumpirma naman ni Panelo na papalitan niya si Roque bilang presidential spokesperson.

Tumanggi namang magkomento si Roque sa pahayag ni Panelo.

"I will defer any comment until Monday since I am in China," sabi niya. —Bella Cariaso, Leifbilly Begas ni Duterte.

"Concurrent, today," sabi ni Go nang tanungin kung kailan epektibo ang pag-upo ni Panelo.

Niliwanag naman ni Go na hindi naman sinibak si Roque.

"On leave (si) Roque. He is still weighing his options. Walang sibak," paglilinaw ni Go. — Bella Cariaso TATANGKAING ayusin ni Sen. Nancy Binay ang gusot sa pagitan ng kanyang mga kapatid na sina Makati Mayor Abigail Binay at dating mayor Jejomar “Junjun” Binay, na kapwa tatakbo bilang mayor sa Makati City.

"As of the moment hindi na muna ako magsasalita dahil pag-uusapan, susubukan naming ayusin para hindi umabot doon sa ganung senaryo,” ani Sen. Binay sa panayam sa Commission on Elections (Comelec) headquarters sa Intramuros, Maynila.

Sinabi ni Binay na kagaya ng isang normal na pamilya, dumadaan din ang mga Binay sa ganitong sitwasyon.

“Parang… so far… ‘di ba parang normal lang naman din sa isang pamilya yung may mga ganitong pinagdadaanan? So, kumbaga, isa lang ito, like a normal a family,” dagdag niya.

Nauna nang napaulat na tatakbo rin si Junjun Binay bilang mayor ng Makati kung saan makakatapat niya ang kapatid na si Abby.

“Basta ako, at the end of the day, kahit ano man yung maging resulta pagkatapos ng May 13, 2019 elections, magkakapamilya,” giit naman ni Binay.

Sinamahan ni Sen. Binay sa Comelec si Atty. Dan Roleda sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) bilang kandidato sa pagkasenador ng United Nationalist Alliance’s (UNA).

Si Binay ang tumatayong presidente ng UNA. — Inquirer.net, Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.