Relasyong dapit-hapon

Bandera - - NUR SON URGED TO RUN FOR SULU GOV -

Sabi mo nga po nasa dapit-hapon na rin naman kayo ng buhay ninyo, eh, bakit pakokomplikaduhin na ninyo, e, di i-enjoy na lang! Established na mga pamilya ninyo at wala na kayong kailangan pang patunayan pa.

Lalo pa at maliwanag naman yata kay girlfriend na malinaw ang intensyon mong pakasalan sya pero tumanggi pa rin sya.

So ginawa n’yo na po ang dapat gawin ng isang maginoong katulad ninyo.

In love naman po kayong dalawa di ba? Nagkakaintindihan naman po kayo at ang inyong mga anak, hindi po ba? Kaya kung yan ang gusto niya, e, di go, go na tayo!

Baka may sarili kasi s’yang dahilan kaya ayaw na niyang mag level up pa. Kaya hayaan na natin siyang mag enjoy rin naman sa freedom at relasyong mayroon siya with you.

Ano po ba ang mas mahalaga sa inyo, ang makasal kayo o ang makasama ang babaing mahal ninyo? Kung ano po ang sagot ninyo iyon po ang gawin ninyo.

Pakasal kayo sa babaing sasama sa inyong magpakasal. Makisama kayo sa babaing mag eenjoy sa inyong pagmamahalan.

All in all, tay, wag kang patali sa mga “dapat ganito at dapat ganun” na dikta ng panahon ninyo (Mawalang galang na po), ang mahalaga ngayon masaya ka at ang babaing mahal mo sa dapit-hapon, at sana hanggang sa takipsilim ay magkasama kayo!

(Naks! Nailabas ko tuloy ang malalim kong bokabularyo eh!)

May problema ka ba sa mister o sa misis mo, sa BF or GF, o kaya kay BFF mo? Aba’y i-text na si Ateng Beth sa 09156414963, at tiyak na may sey siya riyan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.