KRIS IPINAKITA SA PUBLIKO ANG EPEKTO NG AUTOIMMUNE DISEASE

‘I will show you that surviving can be beautiful’

Bandera - - FRONT PAGE -

PINALAKPAKAN at hinangaan ng kanyang mga co-stars sa mediacon ng bagong Kapamilya serye na Los Bastardos ang hunk actor na si Diego Loyzaga.

Tungkol sa mga bastardo o anak sa labas ang kuwento ng Precious Hearts Romances Presents Los Bastardos, at natanong nga si Diego kung hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role sa programa dahil nga malapit ito sa tunay niyang buhay.

“Hindi. I accepted. There’s nothing wrong with it. Walang problema sa akin iyong titulo. Dahil ba sa bastardo ako? What’s the problem there? There’s no problem there," simulang pahayag ng anak ni Teresa Loyzaga kay Cesar Montano.

Pagpapatuloy pa ni Diego, “Tulad na nga ng sinabi natin, kaya nga nabuo ang istoryang ito, the reality, dude, is there really is a lot of people who are bastards out there. Who go through these walks in life na kailangang pagdaanan ang mga ganito.”

Kasunod nito ang malakas na palakpakan ng mga kasamahan ni Diego sa Los Bastardos kabilang na ang mga gaganap na half-brothers niya sa serye na sina Joshua Colet, Jake Cuenca, Albie Casino at Marco Gumabao. Humanga rin sa sagot ng aktor ang ilang miyembro ng entertainment press at bloggers sa sagot niya.

Hirit pa niya, “It’s not about the women this time. It’s about the guys, the struggles, what guys go through from different walks of life. So, what’s wrong with it? Nothing.

"For me, it’s good. I’m happy na ako yung isang napili to be one of the bastards. The show, my walk of life, being a bastard. I’m happy to be here,” aniya pa.

Si Diego ang isa sa limang magkakapatid sa ama ang mag-aagawan ng karapatan para sa mana, kapangyarihan, at pamilya sa Los Bastardos na mapapanood na sa ABSCBN Kapamilya

Gold

Ipinaliwanag ng Social Media Queen na si Kris Aquino ang ilang detalye tungkol sa kanyang sakit na Chronic Spontaneous Urticaria). Nagpost siya sa Instagram ng isang infographics mula sa website na novartis.co.uk kung saan makikita ang symptoms at complications nito at kung paano magagamot ang autoimmune disease.

Ipinakita rin ni Kris sa isa pa niyang IG post ang naging epekto sa kanya ng kanyang sakit, kabilang na nga riyan ang matinding pamumula ng balat at paglabas ng malalaking pantal sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narito ang kumpletong IG post ng mommy nina Joshua at

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.