Lady trader itinumba sa Quezon

Bandera - - FRONT PAGE -

NASAWI ang may-ari ng isang real estate brokerage company nang barilin ng di pa kilalang salarin sa Infanta, Quezon, Biyernes ng gabi.

Agad ikinasawi ni Dianina Nuza Coralde, 55, ang tinamong tama ng bala sa ulo, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Naganap ang insidente alas-6:40, sa Gen. Luna st., Brgy. Poblacion 39.

Nakatayo si Coralde sa tapat ng tindahan ng motorsiklo nang lapitan at barilin ng di kilalang tao.

Inaalam pa ang ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng salarin, na sinasabing nanakbo lang palayo matapos ang insidente.—John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.