Syrian kritikal sa motor vs jeep

Bandera - - FRONT PAGE -

KRITIKAL ang kondisyon ng Syrian na nabundol ng pampasaherong jeep habang sakay ng motorsiklo sa Edsa, Pasay, kahapon.

Isinugod sa San Juan de Dios Hospital si Mohamad Alodaima, 32, negosyante, at nanunuluyan sa Balagtas Mansion. Nagtamo siya ng matinding pinsala sa ulo at katawan. Nadakip naman ang driver ng jeep na si Orlando De Guzman, 49, ng Labo st., Quezon City, matapos ang insidente. Ayon sa Pasay City Traffic Bureau, naganap ang aksidente alas-2:30 ng hapon sa P. Celle st. Sakay ng kanyang Kawasaki motorcycle si Alodaima at binabagas ang westbound lane ng Edsa nang mabundol sa likuran ng pampasaherong jeep na minamaneho ni de Guzman na pa-U-turn sa may P. Celle st. Tumilapon sa motorsiklo ang dayuhan dahil sa lakas ng impact.

A g a d n a k a r esponde ang mga tauhan ng Pasay City Rescue Unit at naisugod sa pagamutan ang biktima habang hindi na nakagawang makatakas ni de Guzman. Nahaharap ang driver sa kasong serious physical injuries at damage to property thru reckless imprudence.—Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.