Nakiramay, namatay

Bandera - - FRONT PAGE -

NATAGPUANG patay ang lalaki sa Bacarra, Ilocos Norte, Biyernes, matapos niyang dumalo sa lamay.

Nadiskubre ang bangkay ni Rene Boy Ramil sa Brgy. 19-A pasado alas-8 ng umaga, ayon sa ulat ng Ilocos Norte provincial police.

Sa imbestigasyon, napag-alamang dumaan lang doon si Ramil, na residente ng katabing bayan ng Vintar, matapos dumalo sa isang lamay sa Bacarra, Huwebes ng gabi.

Di kinakitaan ng tanda ng karahasan ang lugar kung saan natagpuan ang bangkay, kaya ipinasuri ng mga otoridad ang bangkay sa Municipal Health Office ng Bacarra.

Lumabas sa pagsusuring medikal na atake sa puso ang ikinamatay ni Ramil.—John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.