Ambulance nakanal: baby, 3 pa sugatan

Bandera - - FRONT PAGE -

APAT katao, kabilang ang sanggol na pasyente, ang nasugatan nang maaksidente ang sinakyan nilang ambulansya sa Bago City, Negros Occidental, Biyernes.

Bukod sa 1-anyos na sanggol na babae, sugatan ang mga kasama niyang sina Milandro David, Diana Traba, at ang driver ng ambulansya na si Ramil Buhisan, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police.

Naganap ang aksidente alas-3 ng umaga, sa bahagi ng National Highway na sakop ng Purok Mainuswagon, Brgy. Sampinit.

Unang sumalpok ang ambulansya sa likod ng isang dump truck, at nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver ay lumabas ang sasakyan sa outer lane at nahulog sa kanal.

Lumabas sa imbestigasyon na sinubukang unahan ni Buhisan ang trak, ngunit nagkamali sa pagtantsa sa bilis nito, a-yon sa pulisya.—John Roson

INQUIRER

NAKAHANDUSAY sa kalsada ang katawan ng di-nakilalang lalaki na binaril ng mga pulis makaraan itong manghabol ng saksak kahapon ng umaga sa Makati.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.