Crowd control sa LRT-1 ipatutupad

Bandera - - FRONT PAGE -

MAGPAPATUPAD ang Light Rail Transit-1 (LRT1) ng crowd control scheme para masolusyunan ang siksikan sa ilang istasyon at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sa isang tweet, sinabi ng pamunuan ng LRT-1 na epektibo ang crowd control scheme mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng

umaga at alas-4:30 ng hapon hanggang alas-8:30 ng gabi kung kailan dagsa ang pasahero.

"Magsasagawa ang LRT 1 ng Crowd Control para maiwasan ang siksikan sa pagsakay ng tren at mapanatili

ang kaayusan at seguridad ng mga pasahero," sabi ng LRT-1 sa tweet nito.

Idinagdag ng LRT-1 na magpapatupad ng 'limit’ o hangganan sa bilang ng mga pasahero sa bawat

platform ng istasyon ng tren maliban sa priority passengers (Senior Citizen, PWD, buntis at may kasamang bata) upang matiyak ang maayos na pagsakay ng lahat ng mga pasahero.—Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.