Maling suspek ikinulong

Bandera - - NANGHOLDAP NG BANGKO, SUSPEK KUMAIN NG PIZZA -

NORTH CAROLINA, USA—Walang mukhang maiharap ang mga otoridad sa isang lalaki na kanilang ikinulong nang isang linggo dahil lamang kapangalan nito ang isang suspek.

Iniulat ng The News & Record of Greensboro na inaresto si Jesse Ray Hardy Jr., 44, ng bayan ng Greenville, sa mga kasong resisting an officer, breaking and entering at failing to yield to a pedestrian.

Ayong sa korte, kapangalan ni Hardy ang suspek at iisang bayan lamang ang kanilang tirahan subalit hindi sila magkaano-ano.

Humingi naman ng paumanhin si Judge Susan Bray kay Hardy at agad niya itong pinakawalan. Pero dahil walang pamasahe para makauwi ang lalaki ay nag-ambag-ambag ang huwes at mga abogado para sa kanya.—AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.