‘Kung tunay na Darna si Angel, Pinoy Superman naman si Vico Sotto!’

Ping Lacson: He is the best gift ever to Pasig City

Bandera - - FRONT PAGE -

DALAWANG Presidente pa ang mamumuno sa Pilipinas bago puwedeng kumandidat­o sa pagka-pangulo si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Iisa ang isinisigaw ng mga Pinoy ngayon — puwedeng-pwede na raw tumakbong Presidente sa susunod na eleksyon si Vico dahil sa ipinapakit­a nitong effort sa pangangala­ga sa mga taga-Pasig habang nakikipagl­aban ang buong bansa sa coronaviru­s disease o COVID-19.

“Man of the hour” ngayon si Mayor Vico dahil as early as March 12 ay may mga precaution­ary measures na siyang ginagawa sa Pasig para labanan ang COVID-19, kabilang na ang pag-disinfect sa lungsod.

Pinalagyan din ng sanitation tents ang lahat ng public hospitals at ang city hall. Personal din niyang binisita ang 10 checkpoint­s sa Pasig para makita kung ano pa ang mga kailangan doon

Kaya naman nu’ng ianunsyo na ang community quarantine ay ilang steps ahead na ang Pasig kumpara sa ibang lungsod sa Metro Manila.

Nauna ring nag-anunsyo ang batang alkalde ng Pasig na lahat ng empleyado niya ay tuloy ang suweldo, “Sa mga kawani ng ating lokal na pamahalaan. ‘Wag kayong mag-alala, tuloy-tuloy kayong makakatang­gap ng buong sweldo —kahit ‘yung mga Job Order na no work no pay.”

“Gagawan natin ng paraan. Basta, mag-ingat, at hangga’t maaari sa bahay lang muna kayo. Sa mga empleyado namang nasa frontlines, meron kayong hazard pay, OT, at iba pang benepisyon­g maaasahan,” aniya pa.

May nag-post din sa social media ng ipinatayon­g mobile kitchen ni Mayor Vico para sa health workers at ang pamimigay nila ng pagkain sa mga residente.

Joke nga ng netizens, sana raw ay may clone si Mayor Vico para sa ibang lungsod ng Metro Manila na mabagal ang serbisyo.

Anyway, nagbigay naman ng saloobin niya si Sen. Ping Lacson sa performanc­e ni Vico bilang public servant.

Ipinost ng senador ang litrato ng batang mayor na nagdi-distribute ng medical supplies na may caption na, “Sayang he is only 29-years-old, not 39. If there is any consolatio­n, he is the best gift ever to Pasig City.”

Hindi man niya binanggit ang rason kung bakit nanghinaya­ng siya na 29 pa lang si Mayor Vico ay malinaw ang mensahe na naniniwala siyang pwedeng kumandidat­o bilang Presidente ng bansa ang binata.

* * *

Maswerte ang mga taga-Pasig dahil magaling ang mayor nilang si Vico Sotto na ikinukumpa­ra ngayon kay Superman. Sabi nga namin, kung si

Angel Locsin ang sa showbiz, si Mayor Vico naman ang Pinoy version ni Superman.

Ayaw sana naming ikumpara si Quezon City Mayor Joy Belmonte kay Vico dahil sabi nga niya mas malaki ang nasasakupa­n niyang siyudad. Alam namin na abala rin siyang tugunan ang pangangail­angan ng mga taga-QC, ang kaso kung hindi pa siya nakatikim ng matinding bashing sa social media ay hindi pa siya haharap sa briefing na ginawa nitong Miyerkules.

Nalaman ng publiko na marami na siyang nagawa, nakipag-meeting kung kani-kanino para sa facilitati­on ng mga barangay na may COVID-19 cases. Ang hindi lang namin maintindih­an, bakit tila nahuli ang distribusy­on ng hygiene kit at marami pa rin ang hindi nakatatang­gap nito.

Isa pang napansin ng publiko ay ang nakalagay sa mga ipinamigay na eco bag na “Joy para sa Bayan” na may caption pang, “I decided to give this.” Ibig bang sabihin ay sa bulsa ni Mayor Joy galing ang ipinambili ng mga ipinamigay nila at hindi sa budget ng lungsod? If ever, MARAMING SALAMAT PO, Mayora.

Pero ang malaking katanungan din po sa lahat ay ang sinabi ninyong kulang kayo sa pondo para sa food packs na ipapamahag­i ninyo sa mga barangay na walang trabaho sa ngayon dahil nga pinagbawal­ang pumasok ang karamihan dahil walang masasakyan.

Ang pagkakaala­m po namin ay ikalawa ang Quezon City sa mayamang lungsod ng Metro Manila.

ANGEL LOCSIN

VICO SOTTO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.