Bela inabutan ng curfew habang namimigay ng tulong sa street vendor

Coney pinalaki si Vico na may takot kay Lord

Bandera - - FRONT PAGE -

INABUTAN ng curfew si Bela Padilla habang nagdi-distribute ng mga pinamiling pagkain para sa mga street vendor na nawalan ng pagkakakit­aan dahil sa enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Pinangunah­an ni Bela ang isang online fund-raising campaign para mapakain ang mga kababayan nating naging jobless dahil sa COVID-19 pandemic. Sa loob lang ng isang araw, nakalikom ng P3.3 million ang aktres.

Naging transparen­t naman si Bela sa lahat ng mga nag-donate dahil talagang ipinakita niya sa social media ang ginawang pamimili at pagbabalot ng goods na kanilang ipamamahag­i sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Nilinaw naman ng aktres na hindi nila iniligay sa peligro o panganib ang mga binigyan nila ng tulong sa mga pinuntahan nilang lansangan.

May mga bashers kasi na nagsabing sana raw ay ipinagkati­wala na lang nina Bela sa mga kinauukula­n ang pamimigay ng tulong para maiwasan ang hawahan. Ipinagtang­gol naman ng aktres ang kanilang aksyon.

Isa sa mga tweet ng aktres,“They were already on the streets when we arrived. Go complain to the government of Pasay.

“We did not endanger anyone but ourselves today, we made sure of it.”

Ngunit naloka nga lang si Bela nang abutan ng curfew sa kalye dahil medyo natagalan ang kanilang pagdi-distribute ng tulong.

“Plot twist: Inabutan ako ng curfew. Pano ko uuwi? Ha! Ha! Ha!” tweet pa ni Bela. Habang sinusulat namin ang balitang ito, wala pang ipinopost ang dalaga kung nakauwi na siya after ng curfew.

***

Pinalaki ni Coney Reyes sa disiplina at pagiging God-fearing ang mga anak niya kabilang si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Sa lahat ng Metro Manila Mayors na abala sa gitna ng coronaviru­s disease sa bansa, namumukod tangi si Mayor Vico dahil sa mabilis niyang aksyon sa pagtulong sa Pasigueños at pagpuksa sa virus.

Sa lahat ng mga papuri na tinatangga­p ng anak, siguradong proud na proud ngayon ang inang si Coney. Sa katunayan, puro magagandan­g komento rin ang ibinibigay sa kanya ng netizens.

Sa isang panayam, sinabi ni Coney na hindi siya nakikialam sa mga diskarte at desisyon ni Vico pagdating sa pamumuno sa Pasig.Pero aniya,medyo istrikto nga siyang nanay kaya lumaking disiplinad­o ang mga anak.

“If my children were younger, I was really much stricter. Now, I do not interfere because I just believe that I raised them in the ways of the Lord,” pahayag ng veteran actress.

Sey nga ng netizens, swak na swak ang character ter ni Coney sa Kapuso series niyang Love of My Life na istrikta at disciplina­rian din na nanay.

Anyway, simula sa Lunes, hindi muna mapapanood ang Love of My Life sa GMA Telebabad Papalitan ito ng hi ng Kapuso networ My Husband’s Love tigil na kasi ang tap lahat ng programa tugon na rin sa enh community quaran bansa.

Samantala, prou proud din kay Vic kapatid niya sa ina n Mumar. Sa kanyang gram, ibinandera ni pagsuporta sa g wang aksyon ng k sa Pasig para laban COVID-19.

“I rarely post an political but please the Mayor’s Call. I blaming anyone in ernment, just hopi

can adjust some policies to help our countrymen.

“God is good and He is in control. Lets continue to pray for our leaders, bashing and blaming wont help our nation,” sabi pa ni LA.

BELA PADILLA

CONEY REYES AT VICO SOTTO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.