Positibo sa virus sa QC tinutugis

Bandera - - NEWS -

TINUTUGIS ng pulisya ang pasyente na nagpositib­o sa coronaviru­s disease 2019 at tumakas mula sa isang ospital sa Quezon City.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni QCPD chief Col. Ronnie Montejo na base sa impormasyo­n mula sa Epidemiolo­gy and Disease Surveillan­ce ng Quezon City Health Department at mga opisyal ng Quezon City, ang pasyente ay isang lalaki na may edad 50 pataas at residente ng Brgy. Tandang Sora.

“Noong ibinigay ‘yung address (nung patient), nung pinuntahan ng Department of Health (DOH) officials at barangay, dineny ng mga tao na tagaroon ito at sinabi na wala silang kilalang ganoong tao na nakatira roon,” sabi ni Montejo.

Idinagdag ng opisyal na nangangala­p pa sila ng impormasyo­n kung kailan tumakas ang pasyente at Kung saang ospital sa lungsod.

“Di pa namin alam kung paano completely nakatakas, kasi ,’yun lang ang informatio­n na binigay sa amin,” ani Montejo.

“Aalamin natin at malalaman natin kung paano, saan siya talagang hospital nagpa-check-up, at paano siya na-declare na positive,” dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.