Catanduane­s inuga ng lindol

Bandera - - NEWS - — Leifbilly Begas

NIYANIG ng magnitude 5.0 lindol ang Catanduane­s kahapon ng umaga.

Alas-4:08 ng umaga nang maramdaman ang lindol, ayon sa Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology.

Ang epicenter ng lindol ay 75 kilometro sa kanluran ng Pandacan. May lalim itong 18 kilo-metro.

Naramdaman ang Intensity II sa Jose Panganiban at Paracale, Camarines Norte; Bula, Iriga City at Pili, Camarines Sur.

Intensity I naman sa Mauban, Quezon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.