74-anyos kinatay sa Parañaque

Bandera - - NEWS - —Radyo Inquirer, Liza Soriano

PATAY na at naliligo sa sariling dugo ang isang matandang babae nang matagpuan sa kanyang bahay sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, nagtamo ng 30 saksak sa katawan ang 74-anyos na si Sonia Moral ng Marcelo Green Village.

Naniniwala ang mga imbestigad­or na pinatay ang ginang sa pagitan ng alas-3:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi ng Huwebes.

Nabatid na mag-isang naniniraha­n ang biktima sa kanyang bahay at ito ay tinitingna­n-tingnan na lang ng isang kapitbahay.

Nagpasaklo­lo ang nasabing kapitbahay sa pulisya nang hindi sinasagot ng biktima ang mga tawag sa kanya.

Ayon sa mga kaanak, walang mamahaling gamit sa bahay si Moral, pero napansin ng mga pulis na nagkalat ang mga pekeng alahas sa bahay.

Hinihinala ng pulisya na minanmanan ng salarin ang biktima at nang makakuha nang pagkakatao­n ay pinasok ito sa kanyang bahay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.