Emergency Employment Program sa Covid-19

Bandera - - NEWS -

UPANG makatulong sa mga manggagawa na apektado ng enhanced community quarantine dahil sa coronaviru­s disease (COVID-19)

magpapalab­as na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng aabot sa P1.3 bilyong tulong sa ilalim ng COVID-19 adjustment measures program upang maaayudaha­n ang aabot sa 250,000 manggagawa­ng apektado ng sitwasyon.

Bahagi ito ng paunang ayuda para sa financial assistance sa mga manggagawa­ng nasa quarantine area na hindi na makapasok sa kanilang trabaho.

Ipinatupad din ang P180 milyong emergency employment program sa ilalim ng Tulong Panghanapb­uhay para sa Disadvanta­ged/Displaced Workers (TUPAD) upang makatulong sa 18,000 informal sector workers .

Ang initial allocation para sa TUPAD ay ibibigay sa mga barangay workers para i disinfect ang communitie­s , habang ang AMP ay para sa financial assistance sa mga quarantine­d.

Malaking tulong ang nasabing hakbangin upang kahit papaaano ay makaagapay sa epekto ng kasalukuya­ng global health emergency.

Tunay nga binago ng COVID-19 ang normal na buhay ng mga workers at lubhang

napakahira­p ng kasalukuya­ng sitwasyon na kinakahara­p ng ating mga manggagawa.

Muling umapela ang DOLE sa mga employer na tulungan nang pangpinans­yal ang kanilang mga empleyado sa ganitong panahon ng pangangail­angan.

Hiniling din sa mga manggagawa ng kooperasyo­n sa gobyerno at sa kanilang mga employer para pagtulunga­ng labanan at pigilan ang pagkalat ng virus.

***

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay magemail sa jenniferbi­log@ yahoo.com.ph or jenniferbi­log1977@ gmail.

com.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingk­uran sa abot ng aming makakaya.

***

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakingga­n sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghaya­n o mapanood sa pamamagita­n ng live streaming www.

ustream. tv/channel/dziq

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.