74 bus bumibiyahe nang libre

Bandera - - NEWS - —Leifbilly Begas

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga bus na bumibiyahe para magbigay ng libreng sakay sa mga health workers.

Ayon sa Department of Transporta­tion, nasa 74 unit ng bus na ang bumibiyahe sa 13 ruta.

Ang mga bus ay bumibiyahe ng alas-5 ng umaga, alas-7 ng umaga ala-1 ng hapon, alas-3 ng hapon, alas-5 ng hapon at alas-7 ng gabi.

Ayon pa sa DoTr, mayroong 72 bus at dalawang modern Public Utility Vehicles ang bumibiyahe nang libre para sa mga doktor at nurse upang makarating sila sa ospital at makauwi.

Maaari rin umanong sumakay sa bus ang iba pang staff ng ospital gaya ng administra­tion personnel, utility workers, security officers, pharmacist­s, caregivers at mga katulad na bagay.

“Of all the distress this virus has caused, one of the good things it

has brought forth is the indomitabl­e bayanihan spirit of the Filipino people. Our frontline health workers have sacrificed so much, leaving the comfort of their homes to fulfill their sworn duty to save lives. And now, we have our drivers too to safely bring our warriors to the battlefiel­d. Saludo ako sa inyong lahat!” ani Transporta­tion Sec. Arthur Tugade.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.