Zubiri di na sasailalim sa ika-2 test

Bandera - - NEWS - —Bella Cariaso —Liza Soriano

IPINAGTANG­GOL ng pamahalaan ang desisyong payagan si Manila Mayor Isko Moreno na gumamit ng e-tricycle sa Maynila subalit tutol sa panawagan ni Pasig City Mayor Vico Sotto na hayaang makabiyahe ang mga tricycle sa lungsod.

Sa briefing, iginiit ni Interior Secretary Eduardo Ano na pinayagan ang e-tricycle dahil arkilado ang mga ito ng lokal na pamahalaan.

“Iyong public transporta­tion ay ipinagbawa­l natin, kasi ito iyong key para maipatupad mo iyong total lockdown, make it hard for people to move so they will stay at home. My job is how to make people stay at home. Now, if you allow mass transport, like kunwari iyon nga, iyong tricycle, you are opening a gate, we have about 4.5 million tricycles in the whole country,” ani Ano.

Idinagdag ni Ano na sa Metro Manila ay aabot sa 270,000 ang kabuuang bilang ng tricycle.

“Now, the difference doon kay Mayor ng

Manila, iyong e-trikes, e-vehicles ay hindi pumapasada, ito ay hinire at kinomisyon ng Manila on dispatch system for the purpose of bringing health workers to the hospital. So hindi sila pumapasada, they are on dispatch system, to pick-up the health workers – specific,” giit niya.

Ani ni Ano, nais naman ni Sotto na payagang makapasada ang mga tricycle.

“Hindi iyong pumi-pick up ka ng pasahero at alam mo naman, kapag pinayagan mong mamasada kahit kaunti lang iyan, you cannot control it anymore,” paliwanag pa niya.

“Speaking of 270,000 tricycles, sabihin na nating 100,000 tricycle, I don’t want the PNP and the AFP check 100,000 tricycles every moment, just to check kung sino ang sakay. I’d rather have them focus their efforts on keeping the people staying at home,” ayon pa sa opisyal.

HINDI na umano kailangan pang sumailalim sa ikalawang pagsusuri para sa COVID-19 si Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri.

Ito ay dahil naniniwala si Zubiri na accurate ang unang pagsusuri sa kanya dahil mayroon umano siyang bahagyang lagnat Miyerkules noong nakaraang linggo bago naging asymptomat­ic o walang sintomas nitong Lunes.

Posible umanong nadapuan siya ng nasabing virus kaya itutuloy pa rin niya ang isolation ng walong araw pa para makasunod sa protocol.

Matatandaa­n na noong Lunes ay inanunsiyo ni Zubiri na nagpositib­o siya sa COVID-19 test bagamat wala siyang sintomas.

Sinabi

naman

ni

Health Sectetary Francisco Duque III na ang resulta ni Zubiri ay posibleng “false positive” at kung may sapat na test kits sa bansa ay inirerekom­enda niya ang pagulit sa test ng senador.

Para naman sa senador, hindi na niya kailangan pa ang pag ulit ng test. Aniya, halip na gamitin sa kanya ang mga test kit ay gamitin na lamang umano ito sa mga mas nangangail­angan nito, tulad ng mga frontline medical personnel at mga pasyente na matatanda.

NAKA-mask, gloves at kapote ang mga pasahero ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airport Terminal 1 sa Pasay City, bilang panangga sa Covid-19. INQUIRER

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.