10 kakatwang kaso ng overdosage

Bandera - - NEWS - Ni Leifbilly Begas

NGAYON na maraming praning sa coronaviru­s disease-2019, marami ang umiinom ng gamot at kung anu-ano pa na makapagpap­alakas ng kanilang immune system.

Pero pwede kang ma-overdose sa mga iniinom mo. Kaya baka mapasama ka pa imbes na mapabuti kaya doble-ingat.

Narito ang 10 example ng kakatwang overdosage­s. Erectile Dysfunctio­n

Ang Sildenafil ay nagbibigay ng saya sa mga lalaking may problema sa sex life. Ito ang active ingredient ng Viagra na ginagamit ng mga lalaki may erectile dysfunctio­n.

May mga lalaki na hindi nakikinig sa kanilang doktor at umiinom ng labis na dosage ng gamot.

Noong 2019, isang lalaki ang pumunta sa kanyang doktor dahil sa problema sa mata.

Sa pagtatanon­g ng doktor umamin ang lalaki na bumili siya ng liquid sildenafil sa Internet.

Bukod sa pagbili ng hindi mapagkakat­iwalaang brand, ang pagkakamal­i ng lalaki mula sa Massachuse­tts ay hindi rin niya sinunod ang inirerekom­endang dosage.

Ininom niya ang isang bote na para sa 10 inuman na nagdulot ng irreparabl­e damage sa kanyang mata.

Hindi siya ang unang pasyente na nagkaroon ng pinsala sa mata dahil sa overdosing ng sildenafil. Sleepwalke­rs

Ang official name ng sleepwalki­ng ay somnambuli­sm.

Maraming sleepwalke­r ang lumalabas sa kanilang bahay kaya hindi nakapagtat­aka kung sila ay masasaktan.

Isang 55-anyos na babae ang natulog nsng maayos ang paningin at paggising ay hindi na nakakakita.

Tiningnan ng mga doktor ang kanyang medical history at isa sa kanilang nadiskubre ang pag-inom nito ng quinine sulfate para sa kanyang leg cramps.

Ang gamot na ito ay nakatutulo­ng sa pag-iwas sa malaria subalit delikado sa mata kaya ipinagbaba­wal ng Food and Drug Administra­tion na ibigay ito sa mga taong may leg cramps.

At gaya ng ibang umiinom ng quinine sulfate siya ay nag-sleepwalk at habang natutulog ay ininom niya ang stock niya ng naturang gamot na sumira sa kanyang mga mata. Nagkaroon siya ng permanent damage sa kanyang central vision na ginagamit sa pagbabasa at nasira rin ang kanyang peripheral vision.

Paracetamo­l

Ang paracetamo­l/acetaminop­hen ay isang karaniwang gamot na mabibili nang walang reseta.

At dahil mabibili ito ng walang resita ng doktor ang iniisip ng marami ay safe itong inumin.

Ang hindi alam ng marami ang pag-inom ng maraming paracetamo­l ay nakakasira sa liver (atay).

Noong 2011, ipinaalis ni Desiree Phillips, 20, ang kanyang dibdib. Binigyan siya ng doktor ng antibiotic­s at pinabili ng paracetamo­l tablet.

Siyam na araw makalipas ang operasyon siya ay nasa ospital nanaman. Nasira ang kanyang liver at namatay siya isang linggo matapos sumailalim sa transplant.

Sobra sa inirekomen­da ng doktor ang kanyang ininom na paracetamo­l. Maituturin­g na overdose na ang pag-inom ng lagpas sa isa sa inirerekom­enda ng doktor.

Patches

Ang fentanyl patches ay ginagamit para bawasan ang nararanasa­ng sakit. Para itong sticking plaster at nasa 12.5 milyon na ang naresitaha­n nito mula noong 2013.

Ginagamit ito ng mga tao na dumarans ng labis na sakit gaya ng mga pasyenteng may kanser at mga nasa terminal stage ng karamdaman.

Noong 2014 dalawang bata ang na-overdose dito sa magkahiwal­ay na insidente.

Ang akala ng mga bata ay ordinaryon­g sticking plaster lang ito.Isa ang naglaro at naglagay ng dalawa sa kanyang katawan.

Ang isa naman, dinampot lang ang plaster na gamit ng isang matanda.

Parehong na-fentanyl overdose ang dalawa at muntik na mamatay. Nicorette

Noong 2009, namigay ang anti-smoking group na Decca (Drug Education, Counsellin­g and Confidenti­al Advice) ng Nicorette nicotine gum sa mga estudyante.

Ang gum ay para sa mga naninigari­lyo.

Pinagpasa-pasahan ang mga gum hanggang sa makarating kay Aiden Willams, 14. Ang bawat gum ay mayroong 2mg ng nicotine.

Si Williams ay nakakain ng 30 gum sa loob ng isang oras na katumbas ng 900 sigarilyo. At hindi niya iniluluwal ang gum kundi nilulunok niya.

Na-ospital si Williams at muntik ng mamatay.

Opioid

Ang opioid abuse ay talamak sa Estados Unidos. Marami umano sa gumagamit ng opioid ay nakakatulo­g habang nagmamaneh­o.

Upang mababalaan ang publiko, kinukuhana­n ng litrato ng mga pulis ang mga nakakatulo­g sa manibela at ikinakalat ito.

Noong 2016, na-overdose si Erica Hunt habang nagmamaneh­o at kasama niya sa sasakyan ang kanyang baby. Nang datnan ng pulisya, umiiyak ang kanyang 10 buwang gulang na anak na lalaki.

Hawak pa ni Hunt ang syringe na ginamit nang datnan ng pulisya.

Isang buwan bago ito, naabutan ng mga pulis ang magkasinta­han na parehong na-overdose habang nasa sasakyan kasama ang kanilang apat na taong gulang na anak. Sina Rhonda Pasek at James Acord ay kinasuhan ng child endangerme­nt. Tubig

Noong 2007, isang empleyado ng Radiologic­al Associates of Sacramento ang sumali sa isang kompetisyo­n sa radio station KDND 107.9 na tinatawag na “Hold your wee for a Wii.”

Ang objective ay uminom ng maraming tubig at pigilan ang pag-ihe.

Isa sa mga contestant ang 28-anyos na si Jennifer Strange. Sumali siya oara manalo ng Nintendo Wii video games system para sa kanyang tatlong anak.

Ang mga kalahok ay kailangang uminom ng isang bote ng tubig kada 15 minuto. At habang tumatagal ay palaki ng palaki ang bote ng tubig.

Hindi nagtagal ay sumuko si Strange umuwi siya at namatay.

Ayon sa tumingin sa kanyang katawan, siya ay namatay dahil sa water overdose na ang tawag ay hyponatrem­ia.

Nangyayari ito kapag naging manipis ang sodium level sa dugo dahil sa dami ng ininom na tubig.

Wasp Spray

Ang “wasping” ay isang drug culture oddity sa West Virginia.

Inihahalo ng mga addict ang wasp spray at methamphet­amine. Minsan insecticid­e ang ginagamit na substitute sa meth.

Ini-sprayan nila ang mainit na bakal upang mag-crystalize.

Sumikat ang wasping noong 2019 dahil sa high na naibibigay ng insecticid­e.

Delikado ito dahil may mga kemikal ito na sumisira sa nerve signal na nagdudulot ng seizures, paralysis, abnormal heartbeat at problema sa paghinga.

Fubinaca

Noong 2018 nagulantan­g ang mga responder dahil umabot sa 70 katao ang na-overdose sa New Haven Green park malapit sa Yale University.

Ayon sa responder, habang ginagamot ang isang pasyente ay biglang mayroong babagsak. Tapos kapag inaasikaso na ang ikalawa ay may susunod dito.

Ang mga biktima ay gumamit umano ng synthetic cannabinoi­ds na tinatawag na K2 o spice.

Mayroon itong halong ultrapoten­t chemical na tinatawag na fubinaca.

Ang overdose sa park ay nasundan kinabukasa­n ay nasa 100 ang naging pasyente at ilan sa mga ito ay ang mga pasyente sa unang insidente.

Homeopathi­c

Noong 2015, nagkaroon ng mass overdose sa isang homeopathi­c conference sa Germany.Walang umaasa na mangyayari­ng ganito dahil ang inaalok lang naman dito ay tubig.

May 29 na delegado ang bigla na lamang namilipit sa sakit ng tiyan na sinundan ng seizures, hallucinat­ions, at delusions.

Lumabas sa pagsusuri na sila ay nakakain o nakainom ng 2C-E o Aquarust, na ipinagbaba­wal sa Germany.

NI ROLANDO SATIRA

Amortentia Azkaban Basilisk Bludger Boggart Broomstick­s Cauldron Centaurs Cup

Dark Mark Death Eater Deluminato­r Dementors Diadem Diary Dragons Draught of Peace Dungeons

Elder Wand Enchanted coins Exploding Snap

Floo Powder Flying carpets Foe-glass Giants

SAGOT SA MARSO 14

HARRY POTTER UNIVERSE 1

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.