DARREN NAKAUWI SA CANADA BAGO ISARA ANG NCR; NAGPA14-DAY SELF-QUARANTINE

‘DoNation’ drive ni Maine para sa mga ‘no work, no pay’

Bandera - - NEWS -

Richard, Sarah nanghingi rin ng donasyon para sa PUV drivers

NAKA-14-DAY self-quarantine rin pala ngayon ang Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto.

Bago ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong rehiyon ng Luzon, nagawa pang makauwi ni Darren sa Canada para makasama ang kanyang kapamilya roon.

Ayon sa binata, nag-volunteer siya na sumailalim sa two weeks self-isolation pagdating sa Canada para makasiguro na hindi siya kinapitan ng coronaviru­s disease o COVID-19.

Ibinalita ito mismo ni Darren sa kanyang Instagram account para ipaalam sa kanyang mga fans and supporters na nakauwi siya ng maayos sa Canada.

“I haven’t been going near my family as much as I’d want to but it’s for the health and safety of everyone. Take care and help our frontliner­s by staying at home as much as possible. See you guys again soon!” mensahe ng award-winning singer.

*** Nadagdagan pa ang mga celebritie­s na tumutulong sa mga kapuspalad nating mga kababayan at sa mga frontliner­s na patuloy na nagtatraba­ho sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nanawagan ang bagong kasal na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa kanilang mga kaibigan at kakilala na mag-donate para sa mga medical supply, pagkain at iba pang pangunahin­g pangangail­angan ng mga frontliner at mga driver ng public utility vehicle.

Sa Instagram, ibinalita ng mag-asawa na nag-set up sila ng account para makalikom ng pondo na kanilang ipamimigay sa mga health workers, military and police officers na nasa checkpoint­s, pati na sa mga tricycle, jeepney, bus at taxi drivers.

Sa pamamagita­n ng online site na Go Get Funding maaari na kayong mag-donate kahit magkano sa kanilang fundraisin­g campaign na “Laban sa COVID.”

Post nina Richard at Sarah, “Inspired by our friends who have been helping, we have decided to do our part and help out from our home together with our families and friends.

“We are hoping to raise enough funds to buy all of these urgent necessitie­s to help people in need.”

Kung matatandaa­n, kinansela nina Sarah at Richard ang kanilang bonggang wedding dahil sa COVID-19 outbreak. Pero noong March 14, itinuloy din nila ito sa pamamagita­n ng isang intimate ceremony.

Nauna nang nagsagawa ng online fundraisin­g para sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho dahil sa virus sina Bela Padilla at Maine Mendoza. Namahagi na ng pagkain at iba pang goods si Bela sa mga street vendor matapos makalikom ng mahigit P3 million.

Samantala, sa Twitter naman idinaan ni Maine ang panawagan sa kanyang DoNation Drive, “Hi everyone! Given the difficult situation we are all facing, I thought of starting the DoNation drive today.

“This is to help the employees who are not allowed to work because of the community lockdown,” tweet ni Maine kung saan naka-post din ang link ng kanyang blog (Wordpress.com) kung saan mababasa ang kabuuan ng kanyang announceme­nt para sa mga gustong mag-donate pati na ang paraan kung paano makakakuha ng donasyon ang ating mga kababayan.

MAINE MENDOZA

DARREN ESPANTO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.