MO!

Heart: Ayoko na! Kayo na lang ang mag-away-away! Kiray todo puri sa BF: Mabait, marespeto, loyal...sana all!

Bandera - - NEWS -

HEART Evangelist­a was exasperate­d over the bashing she got when she posted a photo ng isang cancer patient na naglakad from Antipolo to Philippine General Hospital.

Sinaluduha­n ni Heart ang ginawang iyon ng cancer patient pero hindi iyon nagustuhan ng bashers.

She tweeted, “Ayoko na, Twitter. Kayo kayo na lang mag away. Tumulong na lang tayong lahat. Being toxic will not help. Good bye na lang. Di ko na kaya.”

Kahit hindi naman kailangan ay nag-apologize siya and she deleted her post,“You may not see my heart and that’s ok so I just wanna say I am truly sorry if I offended you.”

“I deleted all my previous tweets. I understand the hate . I should have elaborated my sentiments more. I am sorry. So sorry,” dagdag pa niya.

Ipinagtang­gol naman siya ng fans and said na huwag nang pansinin ang haters at ituloy na lang ang pagtulong. Hayaan na lang daw na karma ang gumanti for her.

* * *

Matinding upak ang inabot ni Mocha Uson when she lambasted Pasig City Mayor Vico Sotto’s panawagan na payagan ang mga tricycle na pumasada para maghatid ng health workers sa Pasig.

“POSTED BY ADMIN BANAT BY...

“Eto yung sinasabi ko eh.

Kaya ng ibang lugar bakit eto si Mayor Sotto pabebe? Bukas paguusapan natin ito. Papaliwana­g ko kung bakit sablay ang pabebe ni Sotto. Pero ang appeal ko sa DILG bakit parang kayo pa ang nakikiusap sa Mayor? Apply the LAW and be strict parang walang PANDEMIC ah.”

‘Yan ang post ni Mocha sa kanyang Facebook page na aria ng Banat By kay Mayor Vico na pinalagan ng mismong followers niya.

“At least he has initiative­s. He is just doing his best as our Mayor, kahit risky pero iniisip lang nya yung ibang tao na needed ang transpo going hospital or any important locations.”

“Ikaw? Kelan ka titigil kakaputak mo na walang kakwenta kwenta? Sayang lang talaga pera ng taong bayan sayo. Sana tamaan ka ng Covid hinayupak ka. Gigil mo ko.”

“Hayaan mo ng pabebe MOCHA USON. At least, he’s doing the best that he can to help the entire Pasig. How about you? Aside from showing off your excellent geographic­al prowess and spreading fake news, what else are you doing to alleviate your countrymen’s lives at this time of crisis? Sabi nga, okay lang maging pabebe, wag lang padede. Ayy!”

“I AGREE kay MAYOR VICO. Mas madali nga naman gawin ang social distancing sa tricycle. Just limit it to one passenger. Again the purpose is to transport patients and health workers na walang private vehicles.”

But nothing beats Ethel Booba’s reaction who said, “Okay na sa pabebe kesa sa pabobo. Social media distancing talaga kailangan nila. Charot!”

But after a few hours, tila naghugas-kamay din si Mocha matapos ma-bash nang todo, “FYI, Mocha Uson FB page is now composed of different bloggers and admins. We practice free speech though we differ in opinions on different matters.

“So, saying that I am against VICO SOTTO is FAKE NEWS since it was posted by another admin. I hope it clears everything.”

***

Inggit much ang netizens sa malaking suwerte na dumapo kay Kiray Celis.

No, hindi siya nanalo ng lotto.Wala rin siyang nakuhang malaking mana. Ang suwerte niya dahil bukod sa guwapo na ang boyfriend niya ay mabait pa.

Sa kanyang Facebook account ay nag-post ng photos si Kiray kasama ang boyfriend na si Stephan Estopia.

“Ganito pala ang magmahal. Ang sarap magmahal ng tamang tao. Proud sa ‘yo. Mahal ng pamilya mo. Taong marespeto at gagawin ang lahat mapasaya ka lang nang todo.”

“Mabait, faithful, loyal, honest, masipag, marespeto.. .oo! MAPAPA SANA OL KA TALAGA!”

‘Yan ang caption niya sa photos na sobrang kinaiinggi­tan ng kanyang followers. Ang feeling nila, sobrang suwerte ni Kiray.

“ANUBAAAA KIRAAAAY. BAT KA GANYAAAAAN SOBRANG BLESSED MOOOOO SHARE MO NAMAN YERN HAHAHA. BY THE WAY STAY STRONG SA INYOOOO. PAREHO TAYO SPONGEBOB LOVER. SOON MAGKAKARON DIN AKO NG KWARTO LIKE YOURS.”

“I’m so happy at kinikilig ako sa inyo .... sana all may mga ganyan pang lalaki.”

“Haba ng hair, mapapa sana all ka na lang talaga.”

KIRAY CELIS AT STEPHAN ESTOPIA MOCHA USON ETHEL BOOBA HEART EVANGELIST­A

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.