MEGA BILANG INA NI KC: KAHIT HALOS SUMUKA NA NG DUGO, GINAGAWA PA RIN LAHAT

Anne may pa-tribute sa frontliner­s; nakiusap sa madlang pipol

Bandera - - NEWS -

NAGPAKATOT­OO si Megastar Sharon Cuneta matapos aminin sa madlang pipol na totoong nagkaroon sila ng hidwaan ng anak na si KC Concepcion.

Ayon kay Mega, may pagkakatao­n na hindi siya nakapunta sa isang special event ng kanyang panganay dahil pareho silang may pinagdaraa­nan.

Kinumpirma ito ng singer-actress nang may isang netizen ang nakapansin nang hindi niya pagpunta sa launching ng sariling jewelry line ni KC noong 2018.

Comment ng netizen, “I’m sorry pero ngayon ko lang na-observe…’Yung launching ng Avec Moi ni KC, ‘yung pag-study nya ng gemology, sa lahat ng endeavors ni KC hindi ko kasi kayo narinig. So, pasensya na po.”

Hindi naman ito itinanggi ni Mega pero aniya, kahit noong lumalaki pa lang si KC ay super independen­t na ang dalaga.

Chika ni Sharon, “Sa totoo lang may hidwaan kami nung launch ng Avec Moi. Ayaw din niya ipasabi nung una na nag-aaral siya sa States ng gemology.

“Mula nung maliit siya, kahit wala akong tulog at halos sumuka na ng dugo sa pagod, never ako nakamiss ng kahit anong school activity niya.

“She is very independen­t kasi. But the downside of that is minsan ‘di ko na alam ang nangyayari sa anak ko dahil ‘di siya nagkukuwen­to. Late ako lagi makaalam.”

Hirit pa ng Mega,“Now it will be better. Anak ko si KC at walang puwedeng mas may magmahal sa kanya nang higit sa akin.”

Kamakailan, nagpahiwat­ig si Sharon na okay na uli sila ng anak matapos mag-post ng litrato ni KC at i-promote ang bagong project nito.

Aniya,“Baby #1 has a new YouTube channel. Hope you can all support her.”

Nag-thank you naman si KC sa ina na muling nireplayan ni Mega ng, “You are welcome. I love you no matter what. That will never change. No matter what you do, I have taught you right from wrong and I will always trust in God Almighty in the way I have raised you.

“You are a beautiful person and you shall always be my baby. I will always love you with all my heart even if sometimes we cause each other pain. That’s normal as no one is perfect.

“But the world may turn upside down and the one hand that won’t be letting go of yours even if she falls to her death is your Mama’s.”

* * *

Todo rin ang ipinaabot na pasasalama­t ni UNICEF Philippine­s goodwill ambassador Anne Curtis sa lahat ng frontliner­s sa paglaban sa COVID-19 crisis.

Sa isang Instagram video, narito ang mensahe ni Anne, “I would like to take this opportunit­y to thank our frontliner­s and health workers, everybody who’s doing their part - the doctors, the nurses, the security

KC CONCEPCION AT SHARON CUNETA

guards, the military, and everyone who are doing their parts for the Filipino nation.”

Nanawagan din si Anne sa madlang pipol, “I do understand that this is a privilege for others especially for those who can work from home, who can stay at home and for those who have enough food to

provide for their families. But if you can, only if you can, please do try and stay at home just to avoid your exposure to COVID-19.”

Dagdag pa niya, “UNICEF is working with the DOH and WHO to stop the transmissi­on of COVID-19. You can help. Donate now and help keep children and families safe.”

ANNE CURTIS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.