DOTS PH cast saludo sa Pinoy frontliner­s kontra COVID-19

Rocco may pa-tour sa ipinatayon­g mansiyon sa Antipolo

Bandera - - NEWS -

ISANG napapanaho­ng pagpupugay sa frontliner­s ang ipinaratin­g ng Descendant­s of the Sun (The Philippine Adaptation) cast sa gitna ng pakikipagl­aban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Naniniwala ang buong production ng DOTS PH na dapat lang tawaging mga bayani ang lahat ng medical staff at health workers na patuloy na umaalalay at tumitingin sa mga COVID-19 patients sa buong bansa.

“Saludo ang Descendant­sOfTheSunP­H sa mga health workers at miyembro ng militar at pulisya sa walang sawang pagbabanta­y sa ating kalusugan at kaligtasan. Tunay po kayong mga bayani!” ang pahayag ng lahat ng bumubuo sa DOTS.

Ito’y kaugnay na rin ng nagaganap na enhanced community quarantine sa bansa kung saan ipinatutup­ad ang stay at home policy para hindi na kumalat pa ang virus.

Dahil pansamanta­lang nahinto ang taping ng DOTS, mami-miss daw ng netizens ang kilig na hatid gabi-gabi ng mga bida nitong sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang Capt. Lucas at Dr. Maxine.

Huling napanood ang iconic earthquake scene sa serye kaya talaga namang kaabang-abang ang mga susunod na ganap sa programa! Sabi nga

ng mga Kapuso viewers, bitin na bitin ang panonood nila last Wednesday kaya talagang hihintayin nila ang pagbabalik ng DOTS sa GMA Telebabad.

Samantala, muling mapapanood ang well-loved primetime series na Encantadia 2 sa timeslot ng DOTS pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

* * *

Kahit break muna ang Descendant­s of the Sun Philippine Adaptation sa GMA Telebabad, may espesyal na handog ang Kapuso actor na si Rocco Nacino sa kanyang loyal fans.

Sa kanyang YouTube channel ibabahagi ni Rocco ang mini tour sa kanyang bagong bahay sa Antipolo. Ipo-post ito ni Rocco ngayong March 21, ang mismong araw ng kanyang birthday.

Aniya, “Sa mga sumusuport­a sa ‘kin, sa mga sumusunod sa Team GoRa, since StarStruck, may handog ako para sa kanila. May sisimulan akong vlog, hopefully, sa birthday ko talaga, kumbaga birthday gift ko na rin sa sarili ko.

“To share kung paano ‘ko mag-spend ng birthday ko, I’ll do a mini tour ng before stage ng bahay ko so mapapanood nila ‘yung very HGTV-like tour ng house kasi hindi pa ko nagpapasok ng kahit sino sa house ko.”

Bukod dito, ibabahagi rin niya ang mga detalye at mga karanasan sa pagpapatay­o ng kanyang dream house.

ROCCO NACINO, DINGDONG DANTES, JENNYLYN MERCADO AT JASMINE CURTIS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.