Makapag-aabroad pagkatapos ng Covid 19

Bandera - - NEWS -

Sulat mula kay Sheila ng Lambakin, Jaen, Nueva Ecija Dear Sir Greenfield,

Ako po ay isang sales lady sa isang department store pero nag-resign na po ako sa aking trabaho dahil hindi naman po ako nakakaipon. Sa ngayon po ay may applicatio­n ako sa abroad. Ang problema hindi ko po alam kung matutuloy ako. May tumutulong naman po sa akin, yung pinsan ko na sa ngayon ay nas Dubai na po. At kaya ko po naisipang sumangguni sa inyo ay upang itanong kung matutuloy po ba akong makapag-Dubai at kung

matutuloy ako kailan kaya? At kung sakali mang matuloy ako, magiging maunlad kaya at maganda ang kalagayan ko roon? April 10, 1993 ang birthday ko.

Solusyon/Analysis: Palmistry:

May malinaw na Travel Line (Illustrati­on 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, walang duda,

makapag-aabroad ka. Cartomancy:

Katuparan ng iyong mga pangarp ang nais sabihin ng Nine of Hearts, habang ang Five of Spades ay pagka-delay o pagka-antala ng bahagya sa iyong pag-alis, pero sa bandang huli sa tulong ng isang babae na maaarin siya ang pinsan mo, tuluyan ka na ring makaka-alis patungong Dubai.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.