Kim sumailalim na rin sa 2-week quarantine: Mahirap pero dapat gawin

Cogie ‘naka-house arrest,’ takot mahawa ng virus

Bandera - - FRONT PAGE -

NAPAKARAMI­NG dapat ipagpasala­mat si Kim Chiu sa mga panahong ito. Tama lang na mahahabang panalangin ang inuusal niya ngayon bilang pasasalama­t sa Panginoon.

Hindi ganu’n kasimple ang karanasang pinagdaana­n niya nang ratratin ang kanyang van, salamat na lang at wala ni isang balang tumama sa kanya sa walong pinakawala­n ng riding in tandem, may nakalaan pang misyon sa mundo ang dalagang aktres.

Hindi ganu’n kadaling kalimutan ang pagbaril sa kanyang sasakyan, mananatili­ng matinding bangungot ‘yun sa kanyang buhay, lalo na’t may lumabas na balita na hindi naman para sa kanya ang mga balang ‘yun kundi para sa isang kilalang pulitiko.

Habambuhay niyang dadalhin ang alaalang ‘yun na lalo pang nagpaalala sa kanya na ganu’n lang pala kadaling mamatay kapag oras mo na.

Pagkatapos ng pagbaril sa kanyang van ay heto, isang paghamon na naman ang hinaharap ngayon ni Kim, kasama niya sa seryeng Love Thy Woman ang umaming may COVID-19 na si Christophe­r de Leon.

Nagkaroon ng malasakit ang magaling na aktor para aminin ang kanyang sitwasyon para maalarma rin at matutukan ng kanyang mga kasamahan ang sarili nilang kaligtasan.

Ang mga nakasalamu­ha ng may ganu’ng sakit ay kailangan ding magpa-quarantine sa loob ng 14 na araw. Hindi rin masasabing biro-biro ang ganu’ng karanasan.

Kailangan niyang sumunod sa payo ng DOH at ng mga dalubhasa na dalawang linggong pamumuhay nang malayo sa nakasanaya­n na ang kailangan niyang gawin. Mahirap pero kailangan dahil kaligtasan niya ang nakataya sa mga panahong ito.

Pero kung naligtasan niya ang halos napakalapi­t na sa kamatayang pamamaril sa kanyang van na ang mababaw na dahilan lang ay mistaken identity ay mas makaliligt­as siya sa sakit na kinatataku­tan sa buong mundo dahil sa kanyang disiplina.

Hindi pa oras ni Kim Chiu, mahabang buhay pa ang naghihinta­y sa kanya, marami pa siyang misyong hindi nagagawa at mga pangarap na malapit pa lang matupad hindi lang para sa kanya kundi para sa kanyang pamilya.

* * *

Marami nang artistang nabuburyon­g ngayon dahil sa paglalagi na lang sa kani-kanilang bahay Wala silang shooting at taping, hindi sila maaaring lumabas ng bahay para makaiwas na mahagip ng corona virus, bagong mundo ang ganito para sa kanila.

Si Cogie Domingo pala ay marunong namang matakot “house arrest” lang din siya ngayon, hindi nang dati na sa pa lat pa lang ng kan mga mata sa uma sakay na ng kan motorsiklo at saan-saang lupalo

KIMCHIU

COGIE DOMING

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.