Dayuhan nagbigti sa Roxas Blvd

Bandera - - NEWS - Ni Liza Soriano

NAGBIGTI sa puno sa gilid ng Roxas Blvd. sa Pasay City ang hindi-nakilalang dayuhan kahapon ng madaling araw.

Patay na nang madiskubre ang biktima, na inilarawan na nasa pagitan ng 40 at 45 anyos, nakasuot ng kulay pula at asul na polo shirt, naka-maong na pantalon at kulay puting rubber shoes, alas-5 ng umaga.

Natagpuan ang dayuhan na nakabigti gamit ang nylon cord sa puno sa harapan ng Cuneta Astrodome sa Roxas Blvd.

Napag-alaman na isang casino player ang dayuhan na naipatalo ang lahat ng kanyang pera.

Nakuha sa tabi ng labi ng bangkay ang isang suicide note kung nakasaad ang dahilan ng kanyang pagpapatiw­akal.

Aniya, siya ay walang pamilya at walang kaibigan. Gusto rin umano niyang ibigay ang kanyang katawan sa Philippine General Hospital.

Ayon sa ilang mga tambay sa lugar, matagal na rin nilang nakikita ang dayuhan sa naturang lugar at minsan at palakadlak­ad ito sa Pasay Sport Complex. Ilang araw na din umano nila ito nakitang matamlay.

ANG suicide note ng biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.