Supermarke­t todo-bantay vs kawatan

Bandera - - NEWS - — Liza Soriano

INATASAN ni National Capital Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Debold Sinas ang mga hepe ng police station sa rehiyon na bigyan ng 24/7 security ang mga supermarke­t at iba pang establisim­ento na posibleng target ng mga magnanakaw.

Kaugnay nito, itinanggi ng opisyal na walang katotohana­n ang

nag-viral sa Facebook na may naganap na looting sa mga supermarke­ts.

“I would like to reiterate to the public that no such looting was yet reported to have happened in the Metro. The photo circulatin­g in social media showing people who climbed Mckinley Hills Subdivisio­n’s wall is not true,” ani Sinas.

Lumitaw na iniugnay lamang umano sa looting ang naganap na snatching incident sa isang Chinese national sa Binondo, Maynila noong Marso 18, na sangkot ang isang menor de edad o children in conflict with the law.

Binigyang linaw naman ni Sinas na hindi nila binabalewa­la ang anumang impormasyo­ng naiuulat sa kanila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.