7 ‘habal’ driver dakma

Bandera - - NEWS - — Leifbilly Begas

HINULI ang pitong habal-habal rider na bumibiyahe sa Quezon City kamakalawa.

Kinilala ang mga nasita na sina Mark Angel Juanson, 24; Jaspher de Leon, 35; Ferdinando Roxas, 36; Mark Joemel Galarce, 26; Entero Mosqueda, 35; Darwin Ybanes, 42, at Aris Martinez, 32.

Nahuli ang mga suspek sa Samonte 2 st., at Gen. Luis Ave., Brgy. Nagkaisang Nayon, alas3:30 ng hapon.

Pinara ng mga pulis ang mga suspek at umamin umano ang mga ito na sila ay namamasada at naniningil ng P50-P60 kada pasahero.

Ang mga suspek ay binigyan ng tiket at kinumpiska ang kanilang mga motorsiklo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.