Sylvia kay Kim: Mare­speto siya, parang bata…lag­ing bungis­ngis

Cebu Libre - - NEWS -

APAT na araw na palang hindi natu­tu­log si Sylvia Sanchez dahil sunud-sunod ang tap­ing niya para sa seryeng The Great­est Love at sa episode ng Maalaala Mo Kaya kasama si Kim Chiu.

Kaya pala ang kulit-kulit ni Ibyang noong Huwebes ng umaga at tinanong namin kung bakit siya hy­per dahil kung anik- anik ang pinag­popo-post niya sa Face­book.

“Kasi hy­per dahil pan­ga­pat na araw na wala akong tu­log dahil ev­ery­day tap­ing, di makat­u­log nali­pasan ng tu­log kaya makulit. Ha-haha- haha!” ang tu­matawang sagot ng ak­tres. Sabay sabing, “Two hours lang tu­log ko lagi.”

Sa­man­tala, so­brang bu­milib si Ibyang kay Kim Chiu na unang be­ses niyang maka­tra­baho sa MMK. Ayon sa award- win­ning ac­tress, “First time kong makasama, mabait at res p e c t f u l . Parang bata, bungis­ngis, masayahin.” Si­nang-ayu­nan namin ang paglalarawan ni Sylvia kay Kim dahil sim­ula nu’ng lum­abas siya sa PBB house 10 taon na ang nakararaan ay hindi pa rin siya nag­bago at hindi rin nakalil­imot.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.