Regine bu­milib sa tapang ni Nate nang magsabay ang lagnat at al­lergy

Cebu Libre - - NEWS -

KALMADO na ang loob ni Regine Ve­lasquez-Al­casid nang pumunta sa Cebu City para sa au­di­tion ng bagong singing search na iho- host niya sa GMA, ang The Clash. Ma­gal­ing-gal­ing na rin kasi ang sakit ng anak niyang si Nate bago siya lu­mi­pad pa-Cebu.

Bago pa man ang Valen­tine con­cert niyang “#PaMore” ay may lagnat na si Nate. Eh, nagka­roon pa ng al­lergy sa mukha ang bagets kaya lalo siyang nag- alala. Mabuti na lang daw at mabait ang anak at walang reklamo.

“He could only cry out of frus­tra­tion but that’s it,” ba­hagi ng post ni Regine sa kanyang Instagram.

Pero kahit in­aala­gaan si Nate, tu­long din siya sa pag-post sa IG sa pag­bal­i­tang lum­abas na ang sin­gle ni Leila Al­casid, ang “Com­pletely in Love”, na puwede nang ma-down­load.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.