Si­gaw ng bash­ers: Kathryn bun­tis daw, da­pat panagutan ni Daniel

Cebu Libre - - NEWS -

WALA na ta­la­gang lig­tas ngayon sa so­cial me­dia. Kahit sino na lang, kahit ano na lang ay puwe­deng ibato la­ban sa kahit sinong per­son­al­i­dad para mau­pakan lang, mema lang.

May lum­abas na larawan ang ma­gan­dang young ac­tress na si Kathryn Bernardo na ang suot niyang damit ay may kalambu­tan ang fab­ric kaya ku­makapit ‘yun sa kanyang katawan.

Ay­sus, umarya na agad ang mga walang ma­g­awa, pinag­du­da­han na agad ng mga ito na nag­dadalan­tao raw si Kathryn, si Daniel Padilla raw ang ama ng kanyang di­nadala, nakakaloka!

Si­gaw ng mga walang ma­g­awa, bun­tis na raw ang ma­gan­dang young ac­tress, ha­latado na raw ang kanyang tiyan, panagutan daw na­man kaya ni Daniel ang kanyang sit­wasyon ngayon?

Tawa kami nang tawa sa nag­ing reak­siyon ng kaibi­gan nam­ing prope­sor ha­bang sabay kam­ing tu­mu­tungga ng kape, “Ang sara­p­sarap sun­gal­n­galin ng pag­mu­mukha ng mga naninira kay Kathryn! Ang sarap ni­lang tam­pal-tam­palin!

Daniel Padilla ug Kathryn Bernardo

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.