B-day wish ni Mat­teo na maka-duet si Sarah G natu­pad na; Pop­sters kinilig

Cebu Libre - - NEWS -

KILIG na kilig ang mga fans at so­cial me­dia fol­low­ers nina Sarah Geron­imo at Mat­teo Guidi­celli sa mga litra­tong naka-post sa In­sta­gram at Twit­ter ka­hapon.

Kuha ang mga nasabing photo sa 28th birth­day cel­e­bra­tion ni Mat­teo na di­naluhan ng pam­ilya at mga kaibi­gan ng bi­nata, ka­bi­lang na nga ang kanyang girl­friend na si Sarah G. Gi­nanap ang se­l­e­brasyon sa bagong bukas na restau­rant na pag-aari ng pam­ilya Guidi­celli na Da Gianni sa Ala­bang.

Bukod sa mga litrato nina Mat­teo at Sarah, marami ring video na ipinost ang mga bisita ng ak­tor sa so­cial me­dia kung saan ma­pa­panood ang kani­lang mga duet.

Ilan sa mga ki­nanta ng magdy­owa ay ang hit songs ng dalaga na “Kilometro” at “Ikot- Ikot.” Ki­nanta rin nila to­gether ang sin­gle ni Mat­teo na “’ Wag Ka Nang Umuwi.”

Bukod kay Sarah, na­mataan din sa birth­day party ni Mat­teo ang ilan lang ki­lalang celebri­ties tu­lad nina Judy Ann San­tos at asawang si Ryan Ag­oncillo, Ju­lia Bar­retto, celebrity doc­tors Vicki Belo and Hay­den Kho, Rayver Cruz, Sofia An­dres, Carlo Aquino, Randy San­ti­ago, Row­ell San­ti­ago, Cherie Gil at Ria Atayde.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.