Ryza ma­pa­pal­a­ban sa Probin­syano ni Coco

Cebu Libre - - NEWS -

MATAPOS pumirma ng kon­trata ang dat­ing GMA artist na si Ryza Cenon, ma­pa­panood na agad siya sa prime­time se­ries ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probin­syano.

Base sa litra­tong nakita namin sa so­cial me­dia, magig­ing ba­hagi si Ryza ng pam­ilya nina Dawn Zu­lueta at Row­ell San­ti­ago na gu­ma­ganap na First Lady at Pan­gulo ng Pilip­inas sa serye. Sa isang litra­tong nakita namin, kasama rin nila ang child star na Heart Ramos at Fran­cis Ma­gun­dayao.

I to a n g k a u n a - u n a h a n g proyekto ni Ryza sa Ka­pam­ilya Net­work matapos niyang iwan ang GMA. Bago ito, in-an­nounce rin ng Dream­scape Entertainment na makakasama rin si Ryza sa bagong se­ries na The Gen­eral’s Daugh­ter na pag­bibida­han nina An­gel Loc­sin at Mari­cel So­ri­ano.

Bukod kay Ryza, ma­pa­panood na rin matapos ang ilang taong pa­mamahinga sa pag-arte si Jolo Revilla sa Ang Probin­syano.

Sa nakita nam­ing photo, mukhang gaganap ang boyfriend ni Jodi Sta. Maria bi­lang mem­ber Pres­i­den­tial Se­cu­rity Group (PSG).

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.