Carcar City ‘drug lord’ pinatay

Hublas nga Kamatuoran - - Opinyon -

Ang No. 1 drug lord suspect ng Cebu pinatay sa Carcar City, Cebu kasama ang kanyang ka live- in partner noong September 8, 2017 sa Sitio Banko, Brgy. Valencia.

Patay agad sa mga tama ng bala ang hinihinalang drug lord na si Merlito Lastima Saducas, 50, parolado na nakulong na noon sa Muntinlupa dahil sa pagtulak ng ilegal na droga, at ang kanyang ka-live-in na si Angeline Cabigas, 30.

Noong nakaraang taon lang nakalabas si Saducas sa National Bilibid Prison at isa sa mga high-value targets ( HVT) ng Cebu Provincial Police Office.

Ayon kay Chief Insp. Jose Lidawa, hepe ng Carcar City Police Station, sakay ng motorsiklo si Saducas kasama ang ka- live- in at sinundan sila ng riding- intandem at binaril ng .45 caliber pistol. Kinuha pa ang kanilang mamahaling relo at alahas at P30,000 na cash.

Ineimbestigahan pa ang motibo sa pagpatay.

USAP-USAPAN PAMBABASTOS NI SEN. TRILLANES KAY DAVAO CITY VICE MAYOR

DUTERTE Hangang ngayon ay usap- usapan pa rin sa buong Pilipinas ang hamon ni Sen. Antonio Trillanes kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na magpakita ng tattoo na dragon sa likod nito na at hinihinalang miyembro ng Hongkong Triad.

Ayon kay Trillanes, ang hindi raw pagpakita ni Duterte ng kanyang tattoo naihalintulad kay former President Joseph “Erap” Estrada na tumangging ipakita ang laman ng brown envelop na humantong sa pag-impeach sa huli.

Ang katawa-tawa lamang dahil wala palang enough evidence si Trillanes against Duterte kaya gumagawa ito ng gimik kagaya ng gusto niyang ipakita ng vice mayor ang tattoo nito.

Because of this, meron pang ibang nagsasabi na ang totoong pakay ni Trillanes sa Senate Blue Ribbon Investigation ay ang pagbagsakin ang Duterte administration./ PB

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.