Jesse Owens award binigay kay Ali

Inquirer Libre - Davao - - SPORTS -

COLORADO SPRINGS, Colo. — Kikilalanin ng unang Jesse Owens Olympic Spirit Award ang namayapang alamat ng boksing na si Muhammad Ali.

Sinimulan ang Owens Award ngayong taon ang ika80 anibersaryo ng pagkuha ni Owens ng apat ginto noong 1936 Berlin Olympics.

Taunang ibibigay ang Owens Award sa mga Olympians na nagsilbing inspirasyon sa lipunan.

Ibibigay ni Marlene Dortch, apo ni Owens sa maybahay ni Ali na si Lonnie ang parangal sa Best of the Games awards.

Napanalunan ni Ali ang medalyang ginto noong 1960 Rome Olympics bago kunin ang pandaigdigang kampeonato noong 1964, 1974 at 1978.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.