Banyagang mga journo interesadong makaharap si Duterte sa Peru Apec

Inquirer Libre - Davao - - NEWS - Ni DJ Yap, deejayapINQ

LIMA, Peru—Nakatakda ang pagdating dito ni Pangulong Duterte bago maghatinggabi ng Huwebes para sa una niyang Asia-Pacific Economic Cooperation (Apec) Economic Leaders Meeting at hinihintay siya ng banyagang midya, maraming nag-aabang kung ano ang sasabihin niyang kontrobersiyal.

“Our past Presidents don’t usually get that much attention from the foreign press,” anang isang source na kaugnay ng pagtanggap ng mga hiling na makaharap ang Pangulo.

Isa umanong pandaigdigang ahensiyang pang-midya at isang pangkat ng taga-ulat sa Peru ang humihiling na makapanayam si G. Duterte.

Ipinarating na ang mga kahilingan sa Department of Foreign Affairs (DFA), ngunit pinaniniwalaang hindi magkakaroon ng panahon si G. Duterte upang makapanayam ang mga mamamahayag sa dalawangaraw ng pagpupulong.

“Many of the other economic leaders would want to understand the President’s, I think, ideology, mission, and even programs from his own words, free of any biases or any slant,” ani DFA Senior Special Assistant Leo Herrera-Lim.

Bago umalis, sinabi ng Pangulo na “My message to Apec will be clear: The Philippines is open for business.”

Pagpapatuloy niya:“We will do everything to ensure that business, particularly [micro, small and medium enterprises] will thrive and flourish.”

Ang Apec summit ngayong taon, na nakatakda ng Sabado at Linggo, ang una para kay G. Duterte, na magkakaroon ng mga pulong na bilateral sa dalawa hanggang apat na mga pinuno, na maaaring kabilangan ni Russian President Vladimir Putin alinsunod sa hiling ng Pangulo.

Ito rin ang huling Apec summit para kay Obama.

Malabong makipagtagpo si G. Duterte kay Obama sa Apec summit. Nakansela ang una nilang nakatakdang pagkikita sa Association of Southeast Asian Nations summit sa Laos nitong Setyembre.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.