Pinas bukas na sa pagnenegosyo

Inquirer Libre - Davao - - NEWS - Frinston Lim

DAVAO City—Ang pagiging bukas ng Pilipinas sa negosyo sa lahat ng bansa ang bitbit na mensahe ni Presidente Duterte, sa pag-alis niya noong Huwebes sa una niyang biyeha sa labas ng Asya.

Sinabi ni Duterte bago siya tumulak papuntasa Asia-Pacific leaders’ summit sa Lima, Peru, na ang pulong niya sa 200 mga pinuno “would be an important opportunity for the Philippines to work closely with economic partners in the region and determine ways of moving forward to achieve our shared goals.”

Ipakikita raw niya sa mga pulong sa mga kapwa lider ng Apec ang 10-point socio-economic program ng kanyang administrasyon, pangunahin na rito ang pagpapabuti sa pakikipagnegosyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.