Cojuangco tiyak na

Inquirer Libre - Davao - - SPORTS - June Navarro @junavINQ

PANGUNGUNAHAN ni Jose ‘‘Peping’’ Cojuangco ang Philippine Olympic Committee sa susunod na apat taon. Nangyari ito kahapon matapos hindi magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Pasig Regional Trial Court na sana’y pipigil kay Cojuangco na tumakbong walang kalaban sa eleksyon na gagawin ngayon sa Wack-Wack Golf and Country Club. Hiningi ng kampo ni boxing chief Ricky Vargas kay Judge Elma Rafallo-Lingan ng Pasig City RTC Branch 159 na ipagpaliban ang eleksyon matapos siyang madiskwalipika sa pagtakbo bilang pangulo na kalaban ni Cojuangco. “We have to restore harmony in the POC,” sabi ni Cojuangco. ‘‘There are big concerns coming up and we don’t have much time. We now have to focus our energy on these.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.