Paborito ang Archers

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA -

BAGAMAT iniwan ng milya-milya ang mga kalaban sa eliminasyon at hindi na dumaan sa butas ng karayom sa Final Four, mangilan-ngilan ang kokontra na paborito ang De La Salle Green Archers na kunin ang titulo ng UAAP men’s basketball tournament.

Sa eliminasyon pa lang ay hindi na tinago ni DLSU coach Aldin Ayo na iisa lang ang pakay ng kampanya ng Green Archers. Ito ay ang mapanalunan ang kampeonato.

Tiniyak din ni Ayo ang kahandaan ng Archers laban sa Ateneo Blue Eagles na gumawa ng malaking ingay ungusan ang kampeong FEU Tamaraws sa Final Four.

Bagamat mga baguhan ang mga malalaro ay pinanday ang Eagles (Thirdy Ravena, Isaac Go, Aaron Black, Mike Nieto) ng mahusay kumpas ni Tab Baldwin.

‘‘Can’t fathom that we are in the finals. We lost four starters due to graduation and seven players out due to academics. Incredible. The team is in the finals because of pure hard work and team play. Just plain ‘bayanihan,’ and heart and a good conductor in Tab Baldwin,” sabi ni Ateneo Hall of Famer at dating Ateneo team manager Arben Santos.

Bubuhatin ang La Salle nina Ben Mbala, Jeric Teng, Abu Tratter, Ricci Rivero at Aljun Melecio.

AUGUST DELA CRUZ

BIG BEN SASANDAL ang DLSU kay Big Ben Mbala (kanan).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.