‘Korean-to-sawa’ sa bagong video streaming service

Inquirer Libre - Davao - - FEATURES - Ni Marlet D. Salazar

ANG VIU na siguro ang kasagutan sa kakulangan ng Asian content sa mga video streaming services na available ngayon. At para sa mga masugid na tagahanga ng mga Korean drama at iba pang palabas sa telebisyon, hulog ng langit ang bagong video streaming service na ito.

“The Philippines is our dream market,” ayon kay Janice Lee, managing director ng PCCW Media na siyang nagdala ng Viu ditto sa Pilipinas sa pakikipagtulungan ng Philippine Daily Inquirer.

“We learned that there are a lot of Kpop and K-Drama fans in the Philippines,” ani Lee, “and by nature the Philippines is very welcoming of international content and has a very diverse and multicultural taste on what they want to watch.”

Positibo ang pananaw ni Lee sa market ng mga palabas na Korean ditto sa Pilipinas. Sinabi nito na ayon sa kanilang pag-aaral, may 47 percent na Internet penetration sa bansa at may 30 milyong tao ang regular na nanonood ng video. Sa numerong ito, 70 percent ang nanonood ng Korean at Asian content.

“So, it is a readily available market for us,” paliwanang ni Lee.

Streaming at download

Web-based at pwede ding manood sa app na maaaring idownload sa Google Play at App Store.

Mag-oofer ng may 8,000 hours na Korean drama at Kpop ang view na mula sa mga bigating network sa Korea katulad ng SBS, KBS, MBC, at CJ E&M na tumatayong mga content partner.

Siguro, para sa mga avid (o rabid) fans ng Korean drama at music, ito na ang pinakamagandang balita: Walong oras matapos ilabas sa Korea, maaari na nila itong panoorin sa Viu.

Sa mga nanonood ng Love in the Moonlight, Doctors, Uncontrollably Found, at Return of Superman, wala nang dahilan para may malaktawang episode. Mayroon ding English subtitle ang mga ito.

Isa sa mga inaabangan ng mga fans ang “Running Man,” isang Korean variety/reality show kung saan ang mga paboritong artista ay may mga task na kailangang tapusin. Patok ito dahil walang role na kailangang gawin ang mga artista at kung sino sila sa totoong buhay, yun sila sa palabas na ito.

Walang limit ang panonood ngunit maaaring mag-download ng aabot sa tatlong title.

May ibibigay na “freemium” ang Viu habang sa mahilig mag-binge watch ay may subscription na ang bonus ay mas maraming title at mas malinaw na kalidad ng mga video. Partner Magkasama ang PCCW Media at Inquirer sa pamamagitan ng Inquirer Mobile sa pagdadala ng Viu sa Pilipinas.

“Viu is part of the Inquirer’s evolution,” ani Sandy Prieto Romualdez, president at CEO ng Inquirer. “My Inquirer is not built only on content generated organically but also content in partnerships.”

Idinagdag ni Lee na mayroon nang Viu sa 17 bansa at may 10 milyon nang subscriber. Sa mga darating na araw ay magkakaroon na din ng iba’t-ibang Asian content na mula sa China, Japan, at Taiwan.

We come from Hong Kong not a big market operate in 17 markets with over 10 million subscribers. Viu is a global OTT service in different markets with not only Korean content but also Japanese content, Taiwanese.

Tiwala si Lee na magiging patok ang Viu sa Pilipinas dahil sa “niche market” na hindi naibibigay ng ibang video streaming service.

“We have the most amount of Asian content,” ani Lee. “We don’t only lead the pack not only the number of the hours but also of the ’newness’ of the content.

Araw-araw ay mapapanood nab ago ang mga manonood at fans. Maaaring idownload ang app sa Google Play at App store maaari din sa web.

MAGKAKASAMA sa ginanap na paglulunsad ng Viu video streaming service sina Ronan de Guzman, general manager ng Digital Media at country manager ng Viu sa PCCW Media Ltd., Janice Lee, managing director ng Viu, at Sandy Prieto-Romualdez, president at CEO ng Philippine Daily Inquirer.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.