Dahil ‘very good’ si Du30 sa SWS, tuloy ang gera kontra sa droga

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA - Ni Marlon Ramos,

NAGPAHAYAG ng pasasalamat sa publiko ang Malacañang noong Huwebes para sa pagbibigay kay Pangulong Duterte ng “very good” na net satisfaction rating sa bagong serbey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa serbey, na ginawa mula Dis. 3 hanggang 6 sa 1,500 respondent sa buong bansa, nagtala ang Pangulo ng +63 net satisfaction, mababa nang isang puntos mula sa serbey ng Setyembre.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na sinalamin ng serbey ang “continuous strong support for the President and his administration” ng tao sa gitna ng lumolobong bilang ng pinapatay sa bansa dahil sa kampanya laban sa bawal na gamot.

“(This) will serve as an inspiration for (the President) to redouble his energy to be true to his oath of office and fulfill his promise of getting rid of drugs, crime and corruption in our society,” ani Andanar.

Samantala, 51 porsyento naman ang nagsabing nakasasama ang pagmumura ni G. Duterte sa mga pinuno ng bansa o pandaigdigang samahan para sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga naturang bansa o samahan ng mga minurang opisyal.

Ngunit hindi naman ito nakasasama sa relasyon ng bansa sa ibayong-dagat, ayon sa opinyon ng 33 porsyento ng mga sinerbey. Samantala, 16 porsyento ng mga respondent ang walang pasya.

CONTRIBUTED PHOTO

DU30 & PACMAN KASAMA sa delegasyon ni Pangulong Duterte sa state visit niya sa Cambodia ngayong linggo si Sen. Manny Pacquiao. Nasa larawan din sina Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go at Sen. Alan Peter Cayetano.

CONTRIBUTED

KUMAWAY sa mga taong naghatid sa kanya si G. Duterte bago pumasok sa eroplanong nagdala sa kanya sa Cambodia para sa state visit niya.

CONTRIBUTED

SA SINGAPORE naman tumuloy si G. Duterte at agad siyang nakipagpulong kay Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong sa Istana presidential palace. Dalawang ang state visit niya dito.

CONTRIBUTED PHOTO

MAINIT na sinalubong ng mga Pilipino sa Cambodia si Pangulong Duterte noong Martes.

WONG MAYE-E

SI SINGAPORE President Tony Tan ang sumalubong kay Pangulong Duterte pagdating niya sa Istana.

CONTRIBUTED

NAGSELFIE sina Pangulong Duterte at Cambodia Prime Minister Hun Sen bago ang State Banquet sa Peace Palace sa Cambodia noong Miyerkules.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.