Sportsmen who called it a day in 2016

Inquirer Libre - Davao - - SHOW BUZZ -

MALIIT ang tsansa na maitayo ang bagong sports complex na gagamitin ng Pilipinas sa pagdaraos dito ng 2019 Southeast Asian Games.

Bagamat nakakita na ng posibleng lugar na pagtatayuan ng palaruan sa Clark Green City sa Pampanga, inamin kahapon ni Philippine Sports Commission chair William‘‘Butch’’ Ramirez na malabong umabot sa 2019 SEA Games ang complex.

Pinalutang ni Ramirez ang ideya na gawin ang pagbubukas at konklusyon ng ng 11-bansang SEAG sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

‘‘We haven’t discussed it with the POC (Philippine Olympic Committee) yet, but we’re already looking for possible venues where the Games can be held,’’ ani Ramirez.

Sinabi ni POC 1st vice president Joey Romasanta na bubuo na sila ng organizing committee sa simula ng 2017 upang simulan ng ang trabaho.

Sinabi ni Ramirez namay alokasyon na 100 ektarya ang Bases Conversion and Development Authority sa Clark para sa sports complex at mga dormitoryo ng mga atleta.

‘‘We can probably build the aquatics center and a multipurpose gym for the 2019 SEA Games but we cannot host all the sports there,’’ ani Ramirez.

Inaasahang gagamitin din ng bansa ang Philippine Arena, the SMX convention center sa Mall of Asia at mismong MOA Arena sa mga paligsahan sa boxing, martial arts at iba pang indoor sports.

May mga laro ring gagawin sa mga probinsiya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.