Balik ang aksyon: Diamond Motor Supercross Abril 29

Inquirer Libre - Davao - - SPORTS -

MULING magtatagisan ng husay ang mga bata, baguhan at batikang riders sa pagarangkada ng ikatlong yugto ng Diamond Motor Supercross Abril 19 sa Mx Messiah Fairgrounds sa Taytay, Rizal.

‘‘I expect an all out effort for the riders, especially the nonwinners yet, to win and be able to position themselves in contention for the overall championship,’’ sabi ni Sam Tamayo ng Generation Congregation at Xtreme Adrenaline Sports na siyang nag-organisa ng matagumpay na five-leg series sa ikalawang sunod taon.

Naghihintay ang P50,000 sa overall champion sa mangunguna sa overall ng eklusibong Pro Open Production.

Tatanggap ng P20,000 ang makakakuha ng ikalawang puwesto at P10,000 ang mapupunta sa magtatapos sa ikatlong puwesto.

May P5,000 pa-premyo at tropeo ang mangunguna sa amatyur.

Ngunit hindi lang nakabibinging ingay ng mga motorsiklo ang inaabangan ng mga miron na aaliwin din ng mga bandang kalahok sa Diamond Autotune Battleo of the Bands.

Tulad ng nakaugalian ay mapapanood live ng mga miron ang sikat na Firefalldown ni Jon Blaylock.

May mga pagkakataon din ang mga tagasubaybay na makausap personal o magpakuha ng larawan kasama ang kanilang mga paboritong riders.

Nangunguna si Glenn Aguilar sa Pro Open, samantalang bida si Pia Gabriel sa ladies.

Ilan sa aabangan ng mga miron sina JR Tulawie, Jason Sarmiento, Benjo Leyva, Raniel Resuello, Vicent Jimenez, RJ de Leon, Maynard Mercado, Joolee Mendoza, Christopher Oberio, Randy Santandee, Joshua Tamayo, Matt Leyva, Caleb Tamayo, Christopher Mercado, Shana Tamayo, Joshua Tamayo, Roman LLorente, Jojo Sayas, Jerry Sumilalao, Darnel Francisco, Cristopher Mercado, Prince Bucag, Jing Leongson, Jonjon Antonio, Rowell Castellano, Wenson Reyes, Nathaniel Morales, Jethro Tamayo, Asher Tamayo, Jason Serrano, Mac Sta Ana, Allan Palma, Neil Quirong, Jasmin Jao, Quiana Reyes, Khim Yumul, Wenson Reyes, Czaldy Alindayo, Bryan Morales, Rhon Mangosong, Bornok Mangosong, Jerick Mitra, JC Rellosa, Ralph Ramento, Ompong Gabriel, Buboy Antonio, Jerich Farr, Christian Ramento, Enzo Rellosa at Patrick Orbe.

AUGUST DELA CRUZ

PAMILYA PINAPAYUNGAN muna ng kani-kanilang mga ama at taga-suporta ang mga batang kasali sa ikalawang yugto ng Diamond Motor Supercross sa Mx Messiah Fairgrounds sa Taytay, Rizal. Muling magbabakabakan ang mga batang riders sa ikatlong yugto ng serye Abril 29. Suportado ng Dunlop Tires, Dickies, Tireshakk, Yamaha Motor Philippines, Go Pro Philippines, PTT Philippines Corporation, DC Shoes Philippines, Coffee Grounds at Xtreme Adrenaline Sports Entertainment Co ang paligsahan na nilalahukan ng pinakamahuhusay riders ng bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.