FLYING HIGH

Inquirer Libre - Davao - - SPORTS -

Tulad ni Glenn Aguilar ay may dalawang panalo si Mangosong sa serye, ngunit nakuha ng huli ang liderato ng PTT Pro Open matapos hindi lumahok sa ikatlo at ika-apat yugto ang tinaguriang Greatest of All Time (Goat) dahil sa mahigpit na iskedyul.

May kabuuang 94 puntos si Mangosong samantalang gitgitan pa sa ikalawang puwesto sina JC Rellosa (82 puntos) at Jerick Mitra (75 puntos).

Naghihintay ang P50,000 kay Mangosong sa matagumpay na serye na inisponsoran ng Diamond Motor Corporation at suportado ng Dunlop Tires, Dickies, Tireshakk, Yamaha Motor Philippines, Go Pro Philippines, PTT Philippines Corporation, DC Shoes, Coffee Grounds at Xtreme Adrenaline Sports.

Sa DC Shoes Ladies Class, paborito si Quiana Reyes na makuha ang unang puwesto matapos sapawan ni Jasmin Jao sa ika-apat yugto.

May 87 puntos si Reyes kasunod si Jao na may 67 puntos. Nasa ikatlong puwesto si Khim Yumul na may 56 puntos.

Mahigpit ang karera nina Wenson Reyes ( 90 pts) at Rhon Mangosong (82 pts) sa Kids 85cc. Nasa ikatlong puwesto si Benedict Morales (72 pts).

Lider din si Wenson sa Kids 65cc na may 100 puntos kasunod si Nathaniel Morales na may 88 puntos.Nasa ikatlong puwesto si Asher Tamayo na may 78 puntos.

Mahigpit din ang laban sa Ex- ecutive Open Production na pinangungunahan ni Jojo Sayas (87 pts) kasunod si Darnel Francisco (82 pts) at Jerry Sumilalao (74 pts).

Bandera si Jing Leongson sa Veterans Open na may 93 puntos kasunod sina RJ de Leon (76 pts) at Jayson Serrano (47 pts).

Malayo ang agwat ni Maynard Mercado (78 pts) kay Lad Bucag sa GoPro Amateur Open. Nasa ikatlong puwesto si Anaki Antonio (51 pts).

Numero uno si Christopher Mercado sa Kids 50cc na may 91 puntos kasunod si Nathaniel Morales (90 pts) at Prince Bucag (74 pts).

Sa Yamaha PW 50 (7-9 years old), nangunguna si Shia del Rosario samantalang nasa unang puwesto si Joshua Tamayo saYamaha PW50 (4-6 years old).

May 100 puntos si Joolee Mendoza sa Open Local Enduro kasunod si Allan Palma (58 pts) samantalang No.1 si JR Tulawie sa Underbone Open na may 89 puntos kasunod si Amay Amon (76pts).

AUGUST DELA CRUZ

NASA ere sina Bornok Mangosong (kaliwa) at Jerick Mitra.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.