Bakit malungkot ang buhay na si ‘Diay’?

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA - Ni Bong Lozada @BLozadaINQ

NASORPRESA at hindi nakakatuwa ang balitang lumabas na pumanaw na siya.

Ito ang damdamin ni Lydia De Vega na umukit ng kasaysayan bilang dating pinakamabilis na mananakbo sa Asya. Si De Vega ay matagal ng nasa Singapore bilang coach ng mga batang mananakbo.

Kailangang umalis ang sikat na Bulakenya na mas kilala bilang si Diay sa Pilipinas sapagkat malaki ang kita sa Singapore.

“Hindi ko alam kung bakit may mga taong magsusulat ng mga ganitong bagay,’’ wika ni De Vega.‘‘ Hindi nakakatuwa ang mga ganitong biro at sana’y magsilbi itong aral at hindi na gawin ang ganitong bagay.’’

Lumabas ss isang pekeng website na URL houstonchronicle-tv.com ang balita sa pagpanaw ni De Vega dahil sa diumano’y malubhang sakit.

Nagpahayag din ng kalungkutan si De Vega sa resulta ng kampanya ng Pilipinas sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games. Sinabi rin ni Diay na balang araw ay babalik siya upang tulungan ang athletics.

“Given the right opportunity, I hope to help Philippine sports and maybe I can be a voice for the athletes who are afraid to speak their mind out.”

‘‘It’s sad to watch the country fall so low,” ani De Vega na dalawang beses nagwagi ng medalya sa century dash ng Asian Games.

Nararamdaman din ni De Vega na may mga nais sabihin ang mga nasyonal ngunit natatakot magsalita sapagkat baka tanggalin ang kanilang pagiging pambansang atleta.

‘‘Kailangan ng mga atleta ng boses upang makapagbigay ng kanilang mga suhestiyon upang tulungan ang kani-kanilang mga NSA (National Sports Associations),’’ sabi ni Mercado na sinabing umaasa siyang bukas palagi ang komunikasyon ng mga atleta at opisyal.

Kampeon ang Pilipinas noong 2005 SEA Games sa Maynila. Ngunit matapos ito ay pababa nang pababa ang Pilipinas na nakuha ang 24 ginto sa Kuala Lumpur SEA Games. Nagtapos sa ika-anim puwesto ang bansa.

“Masyadong konti ang mga ginto kung tutukuyin ang ginastos. Hindi gumanda ang ating pinakita. May problema at kailangan natin itong ayusin,’’ ani De Vega na may siyam ginto sa SEA Games.

May siyam ginto sa SEA Games si De Vega.

Hindi sinisisi ni De Vega ang mga atleta sapagkat alam niyang nais ng 498 nasyonal na umuwing dala ang ginto.

“I know all those athletes gave their 100 percent,” wika ni Mercado. “But our officials always put politics in sports. They’re the ones always fighting among themselves. In the end, it’s the athletes who suffer. There’s so much we have to change to improve sports in the Philippines.”

DARLING LYDIA De Vega

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.